MANIBELA Chairman Mar Valbuena kaugnay ng PUV Modernization Program | The Mangahas Interviews

  • last year
“Iyong presyo po nito, talagang hindi po kakayanin. Siguro maswerte po iyong iba dahil profitable po o viable iyong ruta kasi medyo mahaba-haba. Iyan po iyong mga nag-succeed, successful po na transport cooperatives. Natutuwa naman po tayo roon na nakasunod sila at hanggang ngayon ay tumatakbo. Pero marami rin pong maiigsing ruta na hindi talaga ito kakayanin kasi minimum po na kukunin mo ay labinglima. Kung nasa P2.4 million to P2.8 million, sa P2.4 million na lang po, halos mga P35 million to P36 milyon po. Ang monthly po nito, naglalaro po sa P400,000 to P500,000. Iyan po ang mabigat na bayarin.”

Ang panawagan ng mga PUV driver at operator sa gobyerno na huwag silang alisan ng kabuhayan at iba pang isyu kaugnay sa PUV Modernization Program, sasagutin ni MANIBELA Chairman Mar Valbuena rito sa The Mangahas Interviews.

Recommended