Nalungkot daw nang husto si Jeremy Luis nung sabihan siya noon na bibitawan na muna ang kanyang showbiz career.
Pero agad namang nilinaw ni Jeremy—na kilala noon as StarStruck Avenger Jeremy Sabido—na siya ang may kasalanan kaya siya binitawan noon ng GMA-7.
Ito ang eksklusibong kuwento ni Jeremy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung January 24, 2023 sa launching ng nagma-manage sa kanya ngayong Marikit Artist Management sa Cafe Ilang-ilang ng Manila Hotel.
Panoorin ang kanyang pagkukuwento kung bakit siya binitawan ng Kapuso network.