Bagong US House Speaker Kevin McCarthy, susi nga ba sa muling paghahari ng mga Republican? | Stand for Truth
  • last year
Noong January 7, 2023, nahalal bilang 55th House Speaker ng Estados Unidos ang Republican na si Kevin McCarthy matapos ang historic na 15 rounds ng botohan.

Maraming nagsasabi na siya ay para sa mas-balanseng klase ng politika, salungat sa konserbatibong pamamahala ng kanilang dating pangulo na si Donald Trump na isang Republican din.

Bilang ang kasalukuyang presidente ng kanilang bansa ay isang Democrat, naiipit sa isang mahirap na posisyon si Kevin.

Paano niya gagampanan ang kanyang mga tungkulin sa hinaharap?
Recommended