Pumanaw na ang tinaguriang 'Queen of Kundiman' na si Sylvia La Torre. Kinumpirma ito ng kanyang pamilya sa isang pahayag.
Bukod sa pagiging mahusay na mang-aawit, binansagan din siyang 'First lady of Philippine Television' dahil sa kanyang mga natatanging pagganap sa telebisyon.
Ang kanyang kahanga-hangang karera, balikan sa video na ito.