Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Mahigit 200 Pinoy na ang gustong umuwi mula Israel, ayon sa OWWA sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran. 26 sa kanila, inaasahang darating bukas!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mahigit 200 Pinoy na ang gustong umuwi mula sa Israel, ayon po yan sa OWA.
00:05Sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, 26 sa kanila ay naasahang darating bukas.
00:11Nakatutok si Maris Umali.
00:19Sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran,
00:23na sinalihan pa ng pambubomba ng Amerika sa mga nuclear facility ng Iran,
00:27may nabuti na raw ng ilang mga overseas Filipino workers na magpa-repatriate na sa Pilipinas.
00:33Pero 253 pa lang daw sa kabuo ang mahigit 30,000 na mga Pinoy sa Israel
00:38ang nagpahayag na gustong makauwi na sa bansa.
00:41At sa bilang na ito, 76 pa lang ang nagkumpirma at talagang desidido ng umuwi ayon sa OWA.
00:47Meron silang hesitation for land travel and wait and see muna sila doon sa Israel.
00:53May paniwala yung iba na patapos na yung nangyayaring conflict.
00:59May iba naman ayaw umalis dahil natatakot na wala nang babalik ang trabaho.
01:05Utos ng Pangulo siguruhing ligtas ang lahat ng mga kababayan natin sa mga lugar na may tensyon.
01:09I have directed all concerned government agencies to take the necessary steps
01:14to ensure the safe, timely, and orderly return of our Filipino workers
01:19who wish to avail of the voluntary repatriation program.
01:22They will receive immediate support from the government.
01:26Katunayan na sa Aman Jordan ngayon sa Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Kakdak
01:30para personal na sunduin ng mga Pinoy na papauwi.
01:33Kasabay ngayon yung unang batch ng mga repatriated natin mga kababayan from Israel
01:39at darating sila tomorrow.
01:41So 26 nating kababayan.
01:43Ang ginagawa ng BMW at OWA team, iniisa-isa nating tawagan sila.
01:48Tatlo rin ang uuwi bukas mula Jordan at isa mula Palestine.
01:53Sa Iran kung saan may mahigit isang libong Pilipino, may walo na raw na magpaparepatriate.
01:58Pero sa mga wala pa raw balak umuwi, tuloy naman daw ang pag-monitor ng pamahalaan
02:02at ng embahada sa kanila.
02:04Buong Middle East na nga raw ang minomonitor ng OWA, lalot nakakatanggap din daw sila
02:09ng mga tawag mula sa mga kababayan natin sa Saudi Arabia, Qatar, Jordan at Lebanon.
02:14Kung isasama ang bilang ng mga Pinoy sa mga bansang yan,
02:17sa mga direktang apektado ngayon sa kaguluhan sa Israel at Iran,
02:21aabot yan sa mahigit isang milyong Pilipino.
02:23Kaya malaking problema kung kumalat ang kaguluhan sa ibang bansa sa kitnang silangan.
02:28So makikita mo talaga, like what you said, yung pag-worry ng ating mga kababayan,
02:33more so doon sa Israel.
02:34Kaya nga sabi ko, sabi ko doon sa ating mga OWA personnel on the ground,
02:40eh kahit makulitan, Maris, tuloy-tuloy lang tawagan araw-araw at tingnan kung okay sila.
02:45Bagamat pinanghihinayangan daw marahil ng ilang mga OFW ang mawawalang sweldo sa Israel o Iran,
02:51hindi naman daw sila mapapabayaan pagbalik dito.
02:54May reintegration at cash assistance na nagkakahalaga ng 150,000 pesos
02:59ang ibibigay sa bawat OFW yung uuwi.
03:02Bukos sa repatriation ticket, hotel accommodation,
03:04at may training voucher para mula TESDA at tulong din mula DSWD.
03:09Sa isang pahayag ng Department of Foreign Affairs,
03:12sinabi nitong lubos na nababahala ang Pilipinas sa mga tumitinding tensyon sa gitnang silangan
03:16sa mga nakalipas na oras.
03:18Mariin silang nananawagan sa magkabilang panig na piliin ang landas ng diplomasya
03:23at iwasan ang lalo pang paglala ng sigalot na maaaring maging panta
03:27sa kapayapaan at siguridad sa rehyon at sa buong mundo.
03:31Siniguro nga ni Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola
03:33na tutulungan nila ang mga OFW na pasuna ang mga passport or travel document.
03:39Yung mga expired po na passport, either travel document po ang i-assure namin
03:43o kaya kung pwede, kung papayagan ng DFA po,
03:45i-extend po namin for a limited period of time lang para lang makakross ng border.
03:51Para sa GMA Integrated News,
03:52Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.

Recommended