Buhay mananakot: Paano hinaharap ang katatakutan sa loob ng horror house? | Stand For Truth

  • 2 years ago
Kakayanin mo bang pumasok sa horror house na may scare actors?

Ang mga horror house pinipilahan tuwing Halloween season, pero mas pinatindi ito sa galing at husay ng mga scare actor o ‘yung mga nananakot.

Tulad na lang ng mga scare actor mula sa ‘Nightmares Manila’ sa Parañaque City na magbibigay sa’yo ng horror experience na hindi mo malilimutan.

Ang kanilang trabaho, hindi basta-basta. Mula sa make-up transformation hanggang sa acting, kinakarir talaga nila para bigyang buhay ang horror house. Ang ilan sa kanila, aminadong nasasaktan pa minsan ng challenger dahil sa sobrang takot.

Panoorin ang horror house experience report na ito ni JM Encinas.

‘Stand for Truth’ is a daily digital newscast that focuses on data-driven reports for the millennial audience. Watch it weeknights on GMA Public Affairs' YouTube channel.

Recommended