Pisong surge fee kada rush hour, hirit ng mga tsuper ng dyip | Stand For Truth
  • 2 years ago
Pabor ba kayo sa dagdag ng pisong surge fee sa pampasaherong jeepney?

Humihirit kasi ang transport group na Pasang Masda ng P1 surge fee sa mga commuter tuwing rush hour. Ito raw ay para mabawasan ang epekto sa kanila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa kasalukuyan, P12 ang minimum fare sa traditional jeeps at P14 naman sa modern PUJS matapos payagan ng LTFRB ang provisional P1 minimum fare increase sa traditional at modern jeepneys na epektibo nitong October 4.

Panoorin ang buong kuwento sa video.

‘Stand for Truth’ is a daily digital newscast that focuses on data-driven reports for the millennial audience. Watch it weeknights on GMA Public Affairs' YouTube channel.
Recommended