Hepe ng PNP Custodial Center ng Camp Crame, sinibak sa puwesto habang iniimbestigahan ang pangho-hostage kay dating Sen. Leila De Lima | 24 Oras
  • 2 years ago
Sinibak na sa puwesto ang hepe ng PNP Custodial Center ng Camp Crame, kasunod ng pangho-hostage kay dating senadora Leila De Lima sa loob mismo ng piitan. Mas mahigpit na protocol na rin daw ang ipatutupad para masigurong hindi na mauulit ang insidente. Pinag-aaralan naman ng kampo ni De Lima ang pag-apela ng home o medical furlough. 'Yan ang tinutukan ni Mariz Umali.