Naranasan ng Silip Sa Apoy lead star na si Angeli Khang kung paano maabuso.
Role ng isang inaabusong babae ang ginagampanan ni Angeli sa latest Vivamax movie niyang ito.
Kasama ang isa sa leading men niya sa pelikula na si Paolo Gumabao, nagkuwento si Angeli tungkol sa kanyang role at kung paanong itinuturing niyang "trophy" ang pagganap na ginawa niya sa Silip Sa Apoy.