#GENERATIONRESTORATION: Heroes of Masungi | Stand for Truth
  • 2 years ago
Mula 2013 hanggang 2020, Pilipinas ang itinuturing na deadliest country for land and environmental defenders sa buong Asya at ikatlo sa buong mundo, ayon sa Global Witness.

Isang patunay rito ang nangyaring pamamaril sa dalawang forest rangers ng Masungi Georeserve, isang conservation at protected area sa Rizal.

Pinaulanan daw sina Kukhan at Melvin ng bala na tumama pa raw sa kanilang leeg at ulo pero agad naman daw silang nabigyan ng tulong at himalang nakaligtas. Ang panganib na kanilang nararanasan, dahil daw sa mga taong may interes at gustong agawin ang lupain sa lugar.

Saan nga ba nag-uugat ang madugong agawan ng lupa sa kabundukan?

Panoorin sa #GenerationRestoration: Heroes of Masungi, isang digital documentary series ng Stand for Truth.
Recommended