Booster shots vs. COVID-19, sinimulan na sa ibang bansa | Stand for Truth
  • 3 years ago
Pabor ka ba sa booster shot kontra COVID-19?



Sa US, Israel at Germany, may ilang mga Pilipino na ang nabakunahan ng booster shots o ang 3rd dose ng COVID-19 vaccine. Kaya naman ang Pilipinas, naglaan na rin ng 45 billion pesos sa 2022 proposed budget para makabili ng booster shots. Pero ayon sa Department of Health, hindi pa raw garantisado ang proteksyon na maaaring maibigay nito.



Ang World Health Organization naman, nananawagan na i-delay muna ang pamimigay ng booster shots at bigyang prayoridad ang pagtaas ng vaccination rate ng mga bansang 1 to 2% pa lang ng populasyon ang nababakunahan.



Epektibo nga ba ang booster shot kontra COVID-19? Panoorin ang video.

Recommended