Panoorin ang nakaka-inspire na pagbangon muli ng cruise chef na naging tindero ng isda | PEP Specials
  • 4 years ago
Mula sa pagiging cruise chef, naging tindero ng isda si Rain Paul Cervantes.

Ginawa niya ito para masuportahan ang kanyang pamilya habang wala siyang trabaho dahil sa kasalukuyang krisis ng pandemya.

Ayon sa cruiseshipjob.com, ang isang cruise chef ay kumikita sa pagitan ng $3,400 hanggang $5,800 (PHP 165,157.18 to PHP281,738.71) kada buwan.

Nang dahil sa pandemya, naubos ang ipon ni Rain dahil sa pagtulong sa kanyang mga kamag-anak at sa pagsagot na rin sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ang naisipan niyang diskarte para kumita ng pera ay ang magtinda ng isda.

Gamit ang nalalabi niyang ipon, ipinuhunan niya ito sa pag-angkat ng isda at paglalako nito gamit ang motorsiklong may sidecar.

Nung una ay nahihiya raw siya sa kanyang kinahantungan: mula pagiging OFW (Overseas Filipino Worker) ay naging tindero siya ng isda.

Pero ang kagustuhang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya ang nanaig sa kanya.

Bukod sa pagtitinda ng isda, naisipan niya ring magluto ng panindang almusal at mag-barbecue.

Nang i-post niya sa kanyang social media ang kanyang ginawa, nakakuha siya ng mga positibong mensahe, paghanga, at encouragement mula sa netizens.

Para kay Rain, hindi dapat ikahiya kung paano ka makakaaraos sa pandemya.

"Sa ngayong pandemic, wala namang kailangang pinipiling trabaho talaga, e. Ang importante talaga ngayon ay maka-survive tayo.

"Kasi wala tayong ibang aasahan kundi tayong sarili lang."

Para naman sa mga kapwa niya OFW na umuwi sa Pilipinas at tila nawawalan na ng pag-asa dahil sa kawalan ng trabaho, ito ang gustong ibahagi ni Rain:

"Para po sa lahat ng mga kapwa ko OFW at sa mga magta-try mag-business lalo na sa mga seaman, huwag po tayong mawalan ng pag-asa at huwag po nating isipin na may pera tayo, hindi na kailangan magtrabaho.

"Ang isipin natin yung kinabukasan na haharapin natin. Kasi maraming umaasa sa atin, lalo na sa mga breadwinner.

"Kahit maraming pagsubok sa buhay, lumubog man tayo, lagi nating iisipin na aahon at aahon pa rin ang bagong pag-asa para sa atin."

Panoorin ang nakaka-inspire na yugto sa buhay ni Rain na mula sa pagiging cruise chef ay naging tindero ng isda at muling nakabangon sa pagkalugmok dahil sa krisis ng pandemya.

#OGCruiseChefFishVendor #SummitOriginals

Video Producer: John Henri Alsol Mariano

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Recommended