Humingi ng tawad si Kris Aquino kay dating Senador Mar Roxas

  • 5 years ago
Humingi ng tawad si Kris Aquino, bunsong anak ni Ninoy Aquino, kay dating Senador Mar Roxas na dumalo rin sa anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ama sa Manila Memorial Park. Ani Kris, mas pinili raw ng kanyang kapatid na si dating Pang. Noynoy Aquino si Roxas kesa sa kanya. Matatandaang may napapabalitang alitan ang magkapatid pero minabuti na lang ng aktres na huwag magsalita ukol dito. Dagdag pa niya hindi daw “okay” ang kanyang kapatid kaya hindi ito nakadalo sa paggunita ng pagkamatay ng kanilang ama. (Kuha ni Hanah Tabios)

Recommended