North Korean leader Kim Jong Un, in-execute ang sariling ex-girlfriend

  • 9 years ago
North Korean leader Kim Jong Un, in-execute ang sariling ex-girlfriend

Si Hyon Song-wol ay anim na buwan na naging lover ng North Korean leader na si Kim Jong-on. Siya ay ipinatay nitong huling buwan dahil sa diumanong kasangkutan nito sa pornograpiya, na mahigpit na ipinagbabawal sa North Korea.

Gayunman, may lumalabas ngayong balita na si Hyon ay in-execute dahil kinunan nito ng video ang kanyang sarili, na nakikipag-date kasama si Kim Jong-On.

Sa determinasyon ni Hyon na iposisyon ang kanyang sarili bilang artista, ay ipinagyabang niya sa mga kapwa niyang entertainer na may relasyon siya sa North Korean leader -- at plinano niyang sundan sila ng isang kameraman sa kanilang date, para makunan ang ebidensiya.

Nitong nakaraang Hulyo, nabalitaan ni Hyon na may isang artista ang iinspeksiyunan ng gobyerno dahil sa kanyang promiskuwidad -- hindi niya akalain na siya pala ang artistang tinutukoy. Nang halungkatin ang bahay ni Hyon, doon lumabas ang tape ng date ni Hyon at Kim.

Inaresto si Hyon, at in-execute sa harap ng firing squad.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended