Barbero sa UK, tinawanan ang hairdo ng North Korean leader na si Kim Jong-Un!

  • 9 years ago
Barbero sa UK, tinawanan ang hairdo ng North Korean leader na si Kim Jong-Un!


Barbero sa UK, ginawang biro ang gupit ni Kim Jong-Un!

Ikinagalit diumano ng mga North Korean ambassadors ang pagbibiro ng isang barbero tungkol sa hairstyle ng kanilang Dear Leader na si Kim Jong-Un.

Noong isang buwan ay inutos ni Kim ang lahat ng mga lalaki sa North Korea, na magpagupit ay gayahin ang kanyang hairstyle.

Nakaamoy ng pagkakataong kumita ng pera ang isang hair salon owner sa London, na gumawa ng isang poster na may litrato ni Kim, at ang caption na, "kung may pangit kang gupit, bibigyan ka namin ng 15 percent na discount."

Pero nagalit ang mga North Korean diplomats sa London, nang nakita nila ang poster na ito.

Sinabi nila sa shop owner na nakakabastos ang poster, at dapat ay agad itong itanggal mula sa salon.

Sabi naman ng shop owner, madalas naman siyang gumamit ng litrato ng mga artista para sa kanyang mga posters, kaya may karapatan siyang gamitin ang litrato ni Kim.

Sagot ng mga North Korean diplomats: "hindi siya artista, siya ay aming Dear Leader!"

Sabi naman ng shop owner: "Nasa UK tayo, wala sa North Korea, at mayroon kaming demokrasya, at karapatang tumawa."

Pero para maiwasang ma-assassinate ng mga North Koreans, at tinanggal rin ng shop owner ang poster at inireport ang insidente sa pulis.

Kalaunan, ay binalik rin niya ang poster, dahil sa 'popular demand' mula sa kanyang mga customers.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH