Maliit na lalaki, nang-ambush ng lasing na babae sa nightclub sa Taipei!

  • 9 years ago
Maliit na lalaki, nang-ambush ng lasing na babae sa nightclub sa Taipei!

Ang 32-year-old na suspek ng sexual assault sa Taipei, ay nagngangalang Wang, at siya ay 4'5" lamang, o 135 cm, ang tangkad.

Dahil sa kanyang kaliitan, hindi daw siya makakuha ng girlfriend. Kaya nagsimula itong magpunta sa mga nightclub, para ma-ambush ang mga lasing na babae.

Ayon sa imbestigasyon ng pulis, si Wang ay tuma-target ng mga babaeng nagpupunta sa nightclub na malapit sa tindahan kung saan siya ay nagta-trabaho.

Itong nakaraang buwan, sinundan ni Wang ang isang magandang dalagita mula sa labas ng isang nightclub sa Taipei, hanggang sa bahay nito.

Napatid ang babae papalabas ng taxi, at nagkunwari si Wang na tulungan ito. Pero matapos niyang tulungan ang babae, ay hinatak niya ito sa isang madilim at makipot na daan. Tinulak niya ang babae pahiga sa kalsada, at inasulto ito ng sampung minuto bago may nakakita at tumulong sa babae.

Nalaman din ng pulis na matapos asultuhin ang babae mula sa nightclub, ay dumiretso sa isang karaoke bar si Wang, para maghanap ng iba pang mabibiktima. Naaresto si Wang para sa sexual assault.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH