Lasing na lalaki, nahulog mula sa bubong ng isang outlet store sa Florida

  • 9 years ago
Alam na nating lahat na ang Florida ay hindi nagkukulang sa mga bobong criminal. At itong si Eric Willard ang ating pinaka-latest.

Ang lasing na 23-year-old ay naaresto itong linggo, nang siya ay nahulog mula sa bubong ng isang department store, sa gitna ng isang pagnanakaw!

Si Eric at ang kanyang ina ay pinaalis sa Ormond Beach Bar dahil masyado silang magulo...

Napadpad si Willard sa isang supermarket, at nagtangkang buksan ang sarado nitong pinto.

Nang hindi niya ito mabuksan, sinubukan niyang itulak ang mga shopping carts sa pinto.

Hindi nagtagal, ay napadpad naman itong si Willard sa bubong ng isang outlet store, kung saan pumasok siya sa isang air vent.

Nang hindi nakayanan ng vent ang bigat ni Willard, bumagsak siya mula sa bubong, at nahulog sa loob ng department store.

Natural at nakunan ng surveillance cameras ang buong pangyayari, at naaresto si Willard, dalawang araw ang nakalipas. Galing!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH