Santa Claus, naaresto dahil hinipuan ang kanyang assistant elf

  • 9 years ago
Santa Claus, naaresto dahil hinipuan ang kanyang assistant elf

Kung si Santa ay may listahan ng 'naughty' at 'nice,' anong masasabi niya sa kanyang sarili?

Si Herbert Jones, ay isang 62-year-old na lalaking nagta-trabaho bilang Santa sa isang shopping mall sa Hanover, Massachussetts -- at siya ay nakasuhan ng indecent assault and battery para sa kanyang panghihipo diumano ng isang babaeng 'elf.'

Isang buwan bago mag-Pasko, ang mga bata ay pumila sa Hanover Mall para makipagkuha ng litrato kasama si Santa.

Isang 18-year-old na babaeng assistant ang nagsabing kinurot ng Santa ang kanyang puwet, matapos ang isang malaswang comment.

Ang comment ni Santa: "sana ay mas matanda ka, at mas bata ako."

Kinumpronta ng pulis si Jones, at sinabi niya na siya ay inosente...

At sa isang interview ay sinabi niyang natamaan lang ng puwet ng babae ang kanyang kamay nang daanan siya nito, at ang nangyari ay aksidente lang talaga.

Sa isang police report, kaya raw sinabi ni Jones na sana siya ay mas bata, ay dahil gusto lang niya ng pagkakataong gumawa ng mas mabuting desisyon para sa kanyang buhay -- at wala raw siyang ibang ibig sabihin.

Ang Christmas wish niya siguro, sana ay may maniwala sa kanya!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended