Lalaki, nagpakamatay mula sa isang talampas sa Taoyuan, Taiwan

  • 9 years ago
Lalaki, nagpakamatay mula sa isang talampas sa Taoyuan, Taiwan

Isang lalaki ang namatay nang ang sinasakyan niyang kotse ay nalaglag mula sa isang talampas, sa Taoyuan, Taiwan.

Nangyari ang insidente nang ang 33-year-old na si許翰陽ay nagmamaneho sa isang matirik na daanan sa isang bundok, sa Fuxing, Taoyuan County.

Hindi malinaw kung bakit o paano ito nangyari, pero ang kotse ni Hsu ay napaalis sa daanan, at bumagsak nang may dalawang daang talampakan, mula sa talampas.

Natawag sa eksena ang pulis at firefighters. Natagpuan ang kotse ni Hsu sa may ilog sa ibaba ng talampas, samantalang ang katawan ni Hsu ay natagpuan, sampung metro mula sa nawasak na sasakyan.

Ayon sa isang saksi, nakarinig siya ng ingay, at paglingon niya, nasa ere na si Hsu. Malamang at napatilapon ang katawan ng biktima mula sa kotse habang pareho silang pababa mula sa talampas.

Ang bungo ni Hsu ay nadurog, at ang kanyang mukha ay nawalan na ng korte. Ang kanyang mga braso, hita ay binti ay nabali rin.

Nahanap din ng pulis ang isang suicide note sa loob ng kotse, kaya posibleng sinadya nitong magmaneho pababa sa talampas.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended