Boston police officer, niligtas ang chihuahua mula sa kotseng nakalubog sa lago!

  • 9 years ago
Boston police officer, niligtas ang chihuahua mula sa kotseng nakalubog sa lago!

Pulis sa Boston, niligtas ang isang nalulunod na aso!

Si Officer David Harriman ay nasa aming Good Cop list sa araw na ito, para sa kanyang daring na pagligtas kay Moochie the Chihuahua.

Nakatanggap ng tawag si Officer Harriman, tungkol sa isang kotseng nakalubog sa lago noong Sabado, at mabilis siyang nagpunta sa eksena. Nakita niyang ligtas si Debra Titus at ang asong si Stitch, pero may isa pang asong na-trap sa sasakyan.

Ang pickup ay nakalubog na sa tubig, at ang aso na si Moochie ay naipit sa gitna ng mga upuan at likod ng sasakyan.

Mabilis na tinanggal ni Harriman ang kanyang mga sapatos at service belt, at tumalonnsa tubig para maligtas si Moochie.

Nabuksan niya ang pinto ng pickup at nakuha niya si Moochie, pero hindi na humihinga ang aso. Pag-ahon nila, ay ginawan niya ng paraan para matanggal ang tubig mula sa baga ni Moochie, at naligtas niya ito!

Naiintindihan daw ni Harriman na ang mga aso ay parang pamilya, at lahat ng taong nasa kanyang posisyon ay gagawin ang kanyang ginawa.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended