Babaeng naka-bra, ginawang escort ng Taiwanese folk god na si Santaizi (三太子)!

  • 9 years ago
Babaeng naka-bra, ginawang escort ng Taiwanese folk god na si Santaizi (三太子)!


Mga babaeng naka-bra, sinamahan ang Taiwanese Folk God na San Tai Zi (三太子), para sa Chinese New Year pilgrimage!

Tingnan niyo ang mga seksing babaeng nagsasayaw sa ibabaw ng mga kotse, nang naka-bra --- nakakaaliw, pero may pagka-weird din, ano?

Ang mga babaeng ito ay hindi lang mga regular na babaeng naka-bra, at nagsasayaw sa ibabaw ng kotse...and mga babaeng ito ay ang mga escort ng Taiwanese Folk God na si San Tai Zi!

Para sa mga babae, ang kanilang trabaho ay espesyal, dahil hindi ito basta-basta nagagawa ng kahit na sino. At umaasa silang ang Santaizi pilgrimage, o paglalakbay sa Chinese New Year, ay magbibigay ng suwerte sa ating lahat, itong year of the Horse.

Si Santaizi ay nai-escort ng kanyang mga sexy guards kahapon, habang siya ay nakasakay sa Taiwan bullet train, at bumiyahe mula Kaohsiung hanggang sa isang templo sa Chiayi County.

At syempre, kahit na ikaw ay itinuturing na isang diyos, ay kailangan mo paring sundan ang mga rules...gaya ng pagbili ng ticket pagsakay sa tren. Si Santaizi ay pinagbayad pa rin ng ticket!

Balak dapat ng mga babae na tanggalin ang kanilang suot na vest, para ipakita ang kanilang pulang bra sa tren, habang namimigay ng mga red envelopes, o Hong Bao, sa mga pasahero.

Pero nag-alala sila na baka magkagulo, kaya hindi na nila ito ginawa. Ayon naman sa mga nakaksaksi sa parteng ito ng pilgrimage, okay naman daw ito, at nakakatuwa.

Si Santaizi ay magiging 'guest god' o bumibisitang diyos, sa Chiayi, ng limang araw itong Lunar New Year holiday.

Ayon sa isang spokesperson para sa event na ito, nag-hire sila ng mga babae para maging escorts ni Santaizi, para mabago ang tradisyon, at maging parte nito ang kababaihan, dahil noon ay mga lalaki lang ang pwedeng sumali. Gender equality for the win! Iyon nga lang, wala kaming maalalang mga lalaking escort na naglakad-lakad nang naka-bra...

Tuwing Chinese New Year Holiday, ang mga nais na makuha ang blessing ng diyos ay maghahagis ng dalawang pirasong kahoy sa sahig, para makuha ang sagot ni Santaizi sa kanilang mga tanong. Ang paghulog ng mga kahoy sa sahig ang magpapahiwatig ng kasagutan. Kung tatlong beses kang nakakuha ng magandang sagot, makakauwi ka ng libreng pulang bra! Woohoo!





For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH