Lola, nakapatay ng 3, at nanakit ng 4 sa isang SUV accident sa Florida!

  • 9 years ago
Lola, nakapatay ng 3, at nanakit ng 4 sa isang SUV accident sa Florida!


Isang 79-year-old at handicapped na babae ang nakapatay ng tatlo, at nakasakit ng apat na tao, nang -reverse niya ang kanyang SUV sa isang grupong tao, bago siya tumuloy sa isang sapa.

Nangyari ang lahat, Martes ng umaga, sa Sugar Creek Country Club -- isang mobile home village para sa mga over-55 ang edad, sa Bradenton, Florida.

Paalis si Doreen Landstra at ang kanyang asawa mula sa isang church service, habang may isang grupong tao ang nagkukuwentuhan malapit sa kanila.

Ayon sa mga saksi, normal naman na umalis mula sa handicapped parking space si Landstra noong una.

Pero hindi raw ito nag-switch papuntang 'drive,' and napa-accelerate pa!

Nagsitakbuhan ang mga tao, habang ang kotse ni Landstra ay mabilis na nag-reverse at dumiretso sa grupo ng matatandang nagkukuwentuhan!

Nasagasaan ni Landstra ang mga ito; may mga namatay, at may mga seryosong nasaktan.

Ang sasakyan ay patuloy na umandar, papunta sa isang sapa. Ang car park ay naging eksena na ng brutal na pagpatay.

Pagkatapos ng aksidente, sinabi ng mga witness sa local media na naniniwala si Landstra na ang kanyang kotse ay naka-drive at hindi naka-reverse. At na-stuck din daw ang pedal ng kotse.

Ayon sa pulis, walang pag-inom ng alak ang sangkot sa nangyari, pero pending sa ngayon ang mga kaso, habang iniimbestigasyunan pa ng pulis ang insidente.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended