Drunk driver, binangga ng SUV ang isang teenager na natutulog sa loob ng isang apartment!

  • 9 years ago
Drunk driver, binangga ng SUV ang isang teenager na natutulog sa loob ng isang apartment!



Trahedya sa Linggo ng Pagkabuhay: Teenager, namatay nang nabangga ng SUV, habang natutulog sa kuwarto!

Isnag pamilya sa Southern California ang hindi matahimik, matapos mabangga ng isang lasing na driver ang kanilang bahay, Easter Sunday, at pinatay ang 16-year-old na babaeng natutulog sa kanyang kama.

Ang desisyon ni Roberto Rodriguez na magmaneho matapos siyang makainom ay habangbuhay niyang pagsisisihan.

Ang lasing na 20-year-old ay nagmaneho nang 80 miles per hour, nang nawalan siya ng kontrol, at ang kanyang SUV ay bumangga sa isang housing compex sa Palmdale.

Natutulog sa kanyang kuwarto ang 16-year-old na si Giselle Mendoza, nang dumiretso ang SUV sa kanya, alas kuwatro ng madaling araw.

Namatay ang teenager sa eksena.

Dalawang apartment ang tinagusan ng SUV. Buti na lang, at ang babaeng nakatira sa isa pang apartment ay natulog sa sopa, na maaring nakaligtas sa kanyang buhay.

Ang ate ng biktima ay nagmakaawa sa mga tao, na huwag nang uminom at magmaneho.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH