Taxi driver sa Hong Kong, ni-rape ang kanyang girlfriend!

  • 9 years ago
Taxi driver sa Hong Kong, ni-rape ang kanyang girlfriend!



Taxi driver sa Hong Kong, ni-rape ang kanyang girlfriend

Isang 25-year-old na taxi drver sa Hong Kong ang ni-rape ang kanyang 27-year-old na girlfriend, noong isang taon.

Ang babae ay bumalik sa Hong Kong matapos mag-college sa abroad. Madalas siyang mag-taxi sa Lantau Island, para magpunta sa trabaho, at dahil ditto ay nakilala niya si Chen, isang taxi driver na tinulungan siyang makakuha ng discounted na concert tickets.

Noong una, nang sinubukan siyang halikan ni Chen, ay tumanggi ang babae, at sinabing mayroon siyang boyfriend sa abroad. Pero pagtagal, ay na-in-love na rin siya kay Chen, ay sila ay nag-sex.

Nagkaroon ng relasyon ang dalawa, pero hindi maamin ng babae sa iba na si Chen ay kanyang boyfriend. Nagalit si Chen, at ninakaw niya ang telepono ng babae, at tinawagan ang boyfriend nito para ipaalam ditto ang kanilang 'fling.'

Nakipaghiwalay ang babae kay Chen, lumuwas sa abroad para makipag-ayos sa kanyang ex, na hindi nakipagbalikan sa kanya. Bumalik siya sa Hong Kong, at nakipagbalikan siya kay Chen.

Noong isang taon, pinilit ni Chen na sumama sa kanya ang babae matapos ang isang concert. Gusto ni Chen na maghubad ang babae, pero hindi ito pumayag. Kinuha ni Chen ang phone ng babae, at hindi ito pinayagang umalis mula sa kanyang bahay.

Sinubukang ayusin ng magulang ni Chen ang sitwasyon, pero mas lalo lang nagalit si Chen, at inumpog niya ang ulo ng babae sa isang dresser, at tinutukan pa ito ng kutsilyo. Para makalma si Chen, pumayag ang babae na matulog sa kama ni Chen. At doon siya ni-rape ni Chen.

Kinabukasan, sa tulong ng magulang ni Chen, tumakas ang babae at nagpunta sa pulis. Nag-plead si Chen ng 'not guilty,' at patuloy ang hearing itong linggo.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH