Babae, sinaksan nang 65 beses ang best friend, dahil sa hubad na litrato!

  • 9 years ago
Babae, sinaksan nang 65 beses ang best friend, dahil sa hubad na litrato!



Babae, sinaksak nang animnapu't limang beses ang kanyang best friend, dahil sa isang hubad na litrato!

Ang brutal na pagpatay sa isang 16-year-old na babae, ng kanyang matalik na kaibigan, ay ikinagulat ng mga residente ng northwestern Mexico -- isang lugar na maraming drug at gang-related violence.

Makikita sa mga Facebook posts sa pagitan ng dalawang 16-year-old na magkaklase, na sila ay super close.

Pero nagkaroon sila ng malaking away, matapos mag-post si Anel Baez ng isang litrato ni Erandy Elizabeth Gutierrez, na nasa isang 'compromising position,' kasama ang isang lalaki.

Pinag-awayan nang husto ng dalawang babae ang litrato, hanggang sa...

Inimbita ni Anel Baez ang kanyang kaibigan sa kanyang bahay, para maayos ang lahat...

Pagpasok ni Gutierrez sa kuwarto ni Baez, nagpaalam ito na gamitin ang banyo...pero ang ginawa niya, ay kumuha siya ng kutsilyo mula sa kusina, at sinaksak ang kanyang dating best friend, nang animnapu't limang beses!

Nagkunwari si Gutierrez na nalungkot siya sa pagkamatay ng kanyang best friend, at nagpunta pa sa libing ni Baez. Doon siya naaresto ng mga pulis.

Bilang isang minor, si Gutierrez ay makukulong ng pitong taon lamang, pero tinutulak ng pamilya ni Baez na ituring ang suspect na isang adult, para talagang pagbayaran niya ang kanyang krimen.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended