Babae, ni-report ang stalker ng 120 beses sa pulis; nasaksak ng 8 beses!

  • 9 years ago
Babae, ni-report ang stalker ng 120 beses sa pulis; nasaksak ng 8 beses!


Babae sa UK, isang daan at dalampung beses nang ini-report sa pulis, na siya ay sina-stalk ng isang lalake -- at siya ay nasaksak!

Kung hindi dahil sa isang matapang na tao, ay maaring nawalan ng buhay si Helen Pearson.

Ang kanyang mala-bangungot na karanasan ay nagsimula sa England, limang taon nang nakalipas. Ang 34-year-old na charity worker ay kinaibigan ang kanyang unemployed at malungkot na kapitbahay na si Joe Willis.

Ang 49-year-old na si Willis ay nagustuhan si Pearson, na maayos at magalang na tinanggihan ang lalake.

Pero ayaw sumuko ni Willis.

Napuno ang inbox ni Pearson ng mga galit na sulat, at na-vandalize ang kanyang bisikleta, kotse, at bahay.

Isang araw, binuksan niya ang kanyang pinto, at nakita niya ang isang patay na pusa, na nababad sa sarili nitong dugo.

Ayon kay Pearson, hindi sineryoso ng pulis sa Devon ang napakarami niyang reklamo tungkol kay Willis.

Hanggang sa sinaksak siya ng walong beses ni Willis, gamit ang malaking gunting, noong Oktubre. Kinaladkad pa siya ni Willis sa sementeryo.

Buti na lang at naligtas si Pearson, salamat sa isang taong napadaan, at matapang na hinatak si Willis.

Si Willis ngayon ay haharap sa matagal na panahong pagkabilanggo, dahil sa attempted murder.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH