Viral video ng away sa isang kainan, nauwi sa assault charges laban sa dalawang teenagers!

  • 9 years ago
Viral video ng away sa isang kainan, nauwi sa assault charges laban sa dalawang teenagers!


Viral video ng away sa isang kainan, nauwi sa assault charges laban sa mga teenagers.

Isang brutal na pag-aaway sa pagitan ng dalawang teenagers at dalawang estudyante ng University of Tennessee, na nakunan ng video, ang nauwi sa assault charges para sa mga teenagers na binugbog ang mga college students.

Nangyari ang lahat sa Cook Out burger joint sa UT campus, lampas hatinggabi noong February 14.

Ayon sa 18-year-old na si Antonio Burkhart, dumaan siya sa isang mesa, at sinigawan siya ng isang customer na iangat niya ang suot niyang pantalon. Sinabihan niya ang babae na huwag siyang pakialaman, at nagalit ang boyfriend nito.

Nagkainitan sila, at nagkagulo lalo nang hinampas ng boyfriend ang hawak ni Burkhart na softdrink.

Nawalan na ng kontrol nang nagbitaw ng racial slur ang boyfriend.

Ilang minuto ang lumipas, at nagsimulang i-record ng isang customer ang mga pangyayari.

Ipinapakita ng cell phone video na ang mga college students ay ayaw makipag-away, pero hindi marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Nagsisigaw si Burkhart dahil sa softdrink, at pinipigilan sa pag-init ng ulo ang kanyang kapatid at 19-ear-old na kaibigan na si Tank.

Nang biglang sinuntok ng kapatid ni Burkhart ang boyfriend!

At si Tank, na ayon sa pulis ay isang amateur boxer at wrestler na nagngangalang Steven Wilson, ay pinagsusuntok ang 19-year-old na si John Buntin.

Si Buntin ay nanatiling nakatayo, kahit na maraming beses siyang natamaan. Siya ay kinailangang dalhin sa ospital para gamutin ang mga seryosong pinsala sa mukha.

Ayon kay Burkhart, ang paggamit ng mga lalaki ng N-word ang nagsimula sa away. Sumurrender si Wilson, at ang kanyang kapatid at sila ay nakasuhan ng simple assault at aggravated assault.

Ayon sa pulis, hindi tumawag sa 911 ang staff ng Cook Out, kahit na may mainam na oras para rumispondi ang pulis.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended