Dalawang teenagers, binaril ang isang lalake sa isang 'bicycle drive-by shooting!'

  • 9 years ago
Mga bata, binaril ang isang 46-year-old na lalaki, sa isang bicycle drive-by shooting sa Philadelphia!

Para sa karamihan, ganito ang drive-by shooting.

Pero ang mga batang ito, sa Philadelphia, ay hindi naisip na masyado silang bata para maghawak ng baril. Ang shooting ay nangyari noong April 27.

Ang 46-year-old na biktima ay naglalakad sa 2900 block ng North Marshall Street, nang nilapitan siya ng dalawang teenager nan aka-bisikleta.

Nilapitan nila ang lalake mula sa likod, 1:25 ng hapon, at walang ka-warning-warning, ay naglabas ng baril ang isa sa kanila.

Binaril ng shooter ang lalake sa dibdib -- napatumba sa kalsada ang biktima.

Tumakas ang mga suspects, sakay ang kanilang mga bisikleta, at ang biktima ay nakarating sa dulo ng block.

Nag-collapse ito sa kanto ng Marshall at Indiana, kung saan siya ay natagpuan.

Panoorin nating muli ang security footage. Naglalakad ang lalaki, at nakasunod sa kanya ang mga teenagers. Humugot ng baril ang isa sa kanila, at binaril ang biktima sa dibdib. Tumakas sila.

Hindi pa nakikilala ng Philadephia police ang dalawang suspect.

Ang biktima ay dinala sa ospital, kung saan siya ay nananatiling nasa kritikal na kondisyon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended