High school student, nilason ng kanyang kalaban para sa isang scholarship!

  • 9 years ago
High school student, nilason ng kanyang kalaban para sa isang scholarship!


Babae, pinainom ng kanyang kaklase ng corrosive acid -- dahil pareho silang naglalaban para sa isang scholarship!

Ano ang gagawin mo para mapanalunan ang isang scholarship?

Sa pelikulang, "You are the Apple of My Eye," ang lalake at babaneg estudyante ay na-in-love, habang pareho silang naglalaban para makakuha ng pinakamataas na grades sa school. Sa tutoong buhay, isang babaeng nag-aaral sa Shandong Agriculture and Engineering University ay nalason ng kanyang kalaban para sa isang scholarship.

Ang babae, na isang sophomore, ay nasa stable na kondisyon. Ayon sa mga doktor, ang lason ay isang klaseng disinfectant, na ginagamit sa kalawang.

Binayaran ng university ang medical bills ng biktima, mula nang maidala ito sa ospital, pero hindi pa nila nahahanap ang taong naglason sa kanya.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente, at wala pang umaamin sa krimen. Hinihintay pa ang resultta ng imbestigasyon ng eskuwelahan at ng pulis.

Pinagsususpetyahan ng biktima ang isa sa kanyang mga kaklase, na ayon sa kanyang mga magulang ay isa sa kanyang matalik na kaibigang babae. Baka raw nainggit ang suspect sa kanilang anak, dahil palaging mas mataas ang grades nito, at sila ay naglalaban para sa iisang scholarship.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH