Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pilipinas ang sinisisi ng China kung bakit daw nagkakatensyon sa West Philippine Sea.
00:05Kasunod ng panibagong insidente roon kahapon, sinabi ng China Coast Guard o CCG na mga barko ng Pilipinas daw ang nanghimasok.
00:12Ayon pa sa sakapagsalita ng CCG, ipagpapatuloy nila ang pagpoprotekta sa kanilang karapatan at maritime interests sa tinatawag nilang Huang Yan Dao.
00:20Sinigundahan naman niya ng Chinese Foreign Ministry.
00:23Lehitimo at naaayon-an nila sa batas ang kanilang ginawa para ipagtanggol ang kanilang territorial sovereignty.
00:29Ang mismo ugat daw ng tensyon ay ang anilay sinasadya at mapangudyok na mga aktibidad ng Pilipinas.
00:35Hinimok nila ang Pilipinas na tigilan na ito at huwag nang labanan ang pagprotekta ng China sa anilay kanilang karapatan at interes.
00:42Hindi naman nabanggit na maopisyal ng China ang bangga ng dalawa nilang barko na nakunan ng video.
00:47Batay sa United Nations Convention on the Law of the Seas o UNCLOS,
00:51Pasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang lugar kung saan nangyari ang paghabol at pagwater cannon ng mga barko ng China sa mga barko ng Pilipinas.

Recommended

0:12