Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Paborang ilang motorista sa pagpapalit ng mga traffic lights sa Metro Manila.
00:04Mula sa dating may timer, ngayon ay sensor-based na.
00:07Kamusta naman kaya ang daloy ng trapiko?
00:10May unang balita live si EJ Gomez.
00:14EJ?
00:18Igan, ang dating timer o countdown sa mga traffic lights kung mag-go-go o stop
00:23ay tinanggal na ng MMDA sa lahat ng traffic lights na nasa pamamahala nila.
00:29Ang sistema ngayon, sensor-based na.
00:32May warning clicks na lang bilang hudyat kung hihinto o tatakbo na ang mga sasakyan.
00:40Pansin niyo ba na sa karamihan ng mga kalsada sa Metro Manila,
00:44wala na ang mga timer o countdown sa mga traffic lights?
00:47Tinanggal na yan ng Metro Manila Development Authority o MMDA
00:51sa lahat ng 76 na traffic lights na nasa pamamahala nila.
00:55Hindi kasama ang mga traffic lights na hawak ng mga local government unit.
01:00Ang mga traffic lights ay sensor-based na,
01:02kaya natutukoy nito yung mga sasakyan na kailangan ng patawirin at kailangan ng pahintuin.
01:09Sabi ng MMDA, sapat na raw ang warning na limang green light blinks
01:14na susunda ng tatlong segundong yellow signal bago mag-red light
01:18para makapag-slow down ang mga motorista.
01:21Eh, ano naman kaya ang masasabi ng mga kapuso natin dyan?
01:25Para po sa akin, okay po yan.
01:27Bakit po?
01:28Eh, parang mas mainam at saka parang takututunan rin po yung ibang driver.
01:31Eh, kasi pag kayo may number na ganun,
01:34eh, mga 5 counts pa ang natitira.
01:36Kita nyo, nag-una na kagad sa pag-alabang.
01:40Parang hinahanood, binibili.
01:42Okay po, okay.
01:43Bakit po?
01:44Mas mabilis yan.
01:46Mabilis po.
01:47Hindi ka gaya dati nga, mabagal.
01:50Ngayon, mabilis yan.
01:50Mas okay pa rin po yung timer, ma'am.
01:52Di po kayo nalilito?
01:54Para sa akin, mas maganda po yung may timer
01:55para hindi na sila nakakahuli ng mga driver.
01:58Para may sinusunod, o.
02:00Ayon sa MMDA,
02:01ang sensor-based traffic lights
02:03ay bahagi ng adaptive signaling system
02:05na inumpisahan nila noon pang 2012
02:08at ngayon ay 100% na nilang ipinatutupad.
02:11Nito lang martes,
02:12nag-install ang MMDA at North Luzona Expressway Corporation
02:15ng adaptive traffic lights sa tatlong lugar sa Metro Manila.
02:19Yan ay sa C3 Road sa Caloocan,
02:22magsaysay NLEX Interchange
02:23at dito sa España Boulevard,
02:25Corner Antipolo Street.
02:29Igan, yung nakikita ninyo ngayon,
02:31yan yung bagong install na adaptive signaling system
02:35o sensor-based traffic light.
02:37Dito yan sa kahabaan,
02:38itong España Boulevard,
02:40Corner Antipolo Street.
02:41At sa mga puntong ito,
02:42yung sitwasyon ng trafico dito,
02:44medyo may traffic build-up na
02:45dahil rush hour na nga
02:47at maraming pampasaherong bus,
02:49jeep at UV Express,
02:51yung nagsasakay at nagbababa
02:52ng kanilang mga pasahero.
02:54Karamihan dyan,
02:54mga kapuso natin na estudyante
02:56papasok sa kanilang eskwela
02:58o di kaya naman ay papasok
02:59sa kanilang mga trabaho.
03:01At yan,
03:02ang unang balita
03:03mula rito sa Maynila.
03:05EJ Gomez
03:06para sa GMA Integrated News.
03:10Igan,
03:11mauna ka sa mga balita,
03:12mag-subscribe na
03:13sa GMA Integrated News
03:15sa YouTube
03:15para sa iba-ibang ulat
03:17sa ating bansa.

Recommended