Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging kakili!
00:16Biglang nagliabang isang closed van na nagpapakalga ng gasolina sa Kaloocan.
00:22Pilit itong binubugahan ang fire extinguisher pero lalo lang nagliab.
00:26Agad dumating ang mga bumbero na gumamit na ng fire retardant foam para maapula ito.
00:31At sa gasoline attendant, nagkakarga noon ng gasolina ang driver sa mga plastic drum sa loob ng sasakyan.
00:37Nambigla itong umapoy.
00:39Itinakbo sa ospital ang driver na nagtamo ng first degree burns.
00:43Nasa maayos na siyang kalagayan. Patuloy ang imbisigasyon ng BFP.
00:48Dalawang pong Chinese national ang arestado sa pagsalakay sa mga condominium unit na ginagawa umanong scam hub sa Pasay.
00:59Isa sa mga suspect ng re-recruit umanong ng mga Pilipino para gawing scammer sa ibang bansa.
01:05Saksi, si John Consulta Exclusive.
01:07Ang target ng operasyon, apat na unit sa isang condominium sa Pasay City na ginagamit umanong scam hub.
01:18Magkasabay na pinasok ng operatiba ng Bureau of Immigration, Fijet of Search Unit at Armed Forces of the Philippines ang 18th at 20th floor ng gusali.
01:27Doon, uli sa akto ang mga dayuan habang abala sa umanong pang-i-scam.
01:31Sa isang unit, pumasok ang mga ehente sa maliit na bintana ng banyo.
01:43Pagpasok sa kwarto, na bis nilang may nagtatago palang Chinese sa ilalim ng kama.
01:51Sa gitna ng operasyon, may tumunog na alam sa mga palapag na mga Chinese na nag-ooperate umano ng scam hub.
01:58Ayon sa BI, ang biscotti rao ng mga chino,
02:01nag-set up sila sa living room para madaling ma-dismantle at may tago.
02:05Based sa record check natin, karamihan sa kanila ay nasa alert list ordering natin.
02:09So, ibig sabihin, dati na silang mga nagtrabaho sa POGO companies before na i-bun natin yan.
02:15At dapat ay lumabas na sila ng bansa or na-issuehan na sila ng order to leave.
02:19Ngunit itong mga taong ito ay hindi sumunod.
02:21Pero bukod sa scam hub, may nahuli silang high-profile target na tayuhan
02:25na nasa likod-umano ng pag-recruit ng mga Pinipino papunta sa ibang bansa para maging scammer.
02:31Usually, ang sinasabi nilang papasukan na trabaho ay sa mga BPO or sa call center agent.
02:37So, yun ang pagkakaalam ng ating mga kababayan.
02:40At papangakoan din sila ng malaking sweldo.
02:43So, yun, i-assistin sila, tutulungan sila ng mga kalusot sa airport.
02:47Doon pa lang, medyo red flag na yun pag sinabi sa kanila na tourist visa lamang yung kanilang gagamitin.
02:52Sa kabuwan, dalawang pong Chinese nationals ang na-arresto sa operasyon.
02:57Sasailalim sila sa malalimang investigasyon.
03:00Ipinagutos po ni Commissioner Viado na mag-conduct tayo ng investigation
03:04para makita po yung mga alleged links nitong sindikatong ito
03:09doon sa mga kababayan natin na nire-recruit sa mga similar scam hubs.
03:14Para si GMA Integrated News, John Consulta ang inyong saksi.
03:22Multiple murder, serious illegal detention, at iba pang reklamo
03:31ang inihain laban kay Charlie Atong Ang
03:33at 60 iba pa kag-mepo sa kaso ng mga nawawalang sa bongero.
03:39Nagtungo rin sa Department of Justice si Julie Dondon Patidongan
03:42at ang kanyang kapatid na handa raw ilantad lahat ng kanyang nalalaman.
03:48Saksi, si Emil Sumangi.
03:49Nagtungo ngayong araw sa Department of Justice
03:55ang nasa 30 pamilya ng mga nawawalang sa bongero.
03:58Ang pakay nila, magkain ang patong-patong na reklamo
04:01laban sa negosyanteng si Charlie Atong Ang
04:04at ang mga kasamaan umano niya sa tinatawag na Alpha Group.
04:08Ang kinasuhan po namin, syempre yung aming talagang matagal nang hinala si Mr. Atong Ang.
04:14Multiple murder po at syaka serious illegal detention.
04:17Kabilang din sa mga reklamo ang enforced disappearance,
04:20paglabag sa Antigrap and Corrupt Practices Act,
04:24direct bribery, corruption of public officials,
04:26obstruction of justice at paglabag sa international humanitarian law.
04:30Isa si Ang, sa 61 respondent sa mga reklamo, bukod pa sa ilang John Doe.
04:36Siya ang main player sa Isabong.
04:39Siya ang main player dyan.
04:41Siya ang amo ni Totoy or Dondon.
04:48Pera niya pinababayad para sa trabaho na ginagawa ng mga kontraktor na pulis.
04:56Kaya ang mahalaga talaga dito ay malitis to.
05:01Hearing, trial talaga ang mahalaga dito.
05:03Magkaroon na ng trial to on the merits.
05:06Kinumpirma rin ng ilang nakausap naming kaanak ng mga sabongero.
05:09Nakasama sa reklamo si Gretchen Barreto at ang dating PNP NCRPO Chief
05:14na Senatary Police Lieutenant General, Jonel Estomo.
05:17Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panik ng mga inareklamo.
05:22Pero nauna lang sinabi ni Naang, Barreto at Estomo,
05:26na wala silang kinalaman sa pagkawala ng mga sabongero.
05:28Kasama sa basihan ng mga reklamo ang salaysay ng akusado
05:31at ngayon'y whistleblower na si Julie Dondon Patidongan.
05:35Pati na ang mga kapatid niyang sina Jose at Ella Kim.
05:39Si Ella Kim ang sinabi noon ni Remulya na panibagong testigo na may totoong ebidensya sa mga kaso.
05:45Ang reliability niya ng kanyang testimony is foolproof in many ways because his picture appears
05:55sa isang ATM withdrawal, na ATM ng isang missing sabongero.
06:01Mas mabigat pa dyan, na-witness siya rin na pagpatay.
06:04Sampung tao yung na-witness siya rin.
06:06Tulad ni Dondon, tatayunin testigo sa kaso si Ella Kim.
06:10Handa po akong siwalat lahat ang aking nalalaman at aking natatsiyan.
06:15Kasama ni Ella Kim ang kapatid na si Dondon nang magpunta kanina sa DOJ.
06:19Sakay ng bomb at bulletproof na sasakyan.
06:23Bago bumaba at umarap sa prosecutor, pinangalanan ni Dondon ang kanyang mga kakasuhan.
06:28Lima itong major player nito sa missing sabongero.
06:36Itong si Atong Ang, Eric Dilarosa, Engineer Salazar.
06:43Itong si kapatid niya, William Ang.
06:48Lahat yan.
06:50Sino yung paliba?
06:50Isama ko na yan si Ma'am Gretchen Barreto.
06:54Dati nang iginihit ni Ang at Barreto na wala silang kaugdayan sa pagkawala ng mga sabongero.
06:58Sinisikap naming makuha ng sila ng panibagong pakayag, pati na ang iba pang mga tinukoy ni patidongan.
07:04Sa aking panayam kay Ella Kim, inamin niyang siya ang lalaking nakuna ng CCTV
07:09na nagwi-withdraw gamit ang ATM card ng nawawalang si Melbert John Santos.
07:14Utosan niya ito ng isang pulis.
07:17Pinigay niya sa akin yung itib pero nung mga time na yon hindi ko alam na kay missing sabongero pa lang yung itib na yon.
07:25Alaman ko na lang yon nung lumabas na ang balita.
07:28Gusto ko mano kasing malaman ng pulis kung magkano ang pumasok sa account ni Melbert na pinagsususpet sa hangang sangkot sa tsoppe o dayaan sa sabonga.
07:36Pinapat siya kung malaki bang laman, malaking kinita nila.
07:44Ayon kay Dondon, ang magiging pahayad ni Ella Kim ang bubuho sa kwento kung ano ang sinapit ng mga biktima.
07:49Pinalaga naman ni Dondon ang pahayad ng PNP na mapapabilang sila sa panibagong mga kakasuhan.
08:04Umapela siya kay Justice Secretary Jesus Crispin Rebulia na madaliin ang proseso para maisailalim siya sa Witness Protection Program.
08:12May kaso na po, ba't kailangan ba nila ako kasuhan? Para saan? Yun ang malaking tanong ko.
08:19Kaya ngayon, kakausapin ko si Suji na pwede nga yun naman ang on-line, yung WPP po.
08:26Tatakbo pa ng isang taon niyan bago makumalagay sa WPP.
08:30Matapos ang ilang taon, natutuwa ang pamilya ng mga nawawalang sabongero na muling umuusad ang kanilang pagkahanap sa kustisya.
08:37Siyempre po, masayang-masaya kasi ito na po yung pagkakataon namin at saka iniintayin matagal na po.
08:42Gusto ko lang po yung matutukan po itong kaso ng Mising Sabongero.
08:51Dahil sobrang na po matagal yung apat na taon na makahanap po namin ang kustisya.
08:59Para sa GMA and Secret News, ako si Emil Sumang, ilang inyong saksi!
09:04Labing pitong oras na parking ban sa mga pampublikong kasada sa Metro Manila.
09:09Isa po yan sa mga panukalan ng DILG para maibsan ang matinding trafik.
09:14Saksi, si Joseph Moro.
09:16Sakal na ang Metro Manila.
09:22Mahigit tatlot kalahating milyong sasakyan ang nagsisiksikan sa mga kalsada araw-araw ayong sa MMDA.
09:28Nung isang taon lamang, kalahating milyong mga sasakyan ang nadagdag dyan ay sa Department of Interior and Local Government o DILG.
09:36Milyong-milyong mga sasakyan na halos wala nang madaanan.
09:39Kaya gusto ng DILG ipagbawal ang parking sa lahat ng mga pampublikong kali sa Metro Manila mula alas 5 ng madaling araw hanggang alas 10 ng gabi.
09:50Kabilang dyan ang mga maliliit na kalsada o tertiary roads na mga maliliit na kalsada sa mga syudad.
09:56Damay pati yung mga nakapark sa kalsada sa dapat ng kanilang bahay dahil walang parking ang may-ari.
10:01But it's a private car on a public street. So we will now designate them as no parking zones, especially in the streets which affect Metro Manila traffic.
10:14Paano kala naman ng MMDA tuwing rush hour na lamang ang Bano tuwing alas 7 hanggang alas 10 sa umaga at alas 5 hanggang alas 8 sa gabi.
10:22Sa naging final decision ng Supreme Court sa PED-JUDAP case, binibigay po sa MMDA yung absolute authority to control traffic which will include traffic ordinances and yung parking ordinances po ng mga LCHUs.
10:41Hati yung mga nakausap namin sa parking ban.
10:44Pag sinabing bawal, nor even a bike cannot park.
10:47Para may disiplina.
10:49Wala lang ko kaming mapaparkingan yan.
10:50Inilatag ito ng DILG sa mga mayor sa pulong nito sa Metro Manila Council at MMDA pero kahit sila may agam-agam.
10:59It may not be feasible kasi yung ibang mga kalye hindi naman talaga dinadaanan.
11:05Bakit mo ibaba ng parking doon?
11:08Sapagat pwedeng yun ang maging alternative parking areas eh.
11:11Hindi pwedeng isang blanket parking ban.
11:15Gusto ng ilang mga lokal na pamahalaan na kilalanin pa rin ang DILG yung kanilang mga lokal na ordinansa na pumapayag sa parking sa ilang mga maliliit na mga publikong kalsada.
11:27Pinapayagan halimbawa sa ilang mga barangay ang pagpark sa ilang maliliit na kalsada at ang parking sa kalye sa may mga establishmento.
11:34It's within the power of the local government to determine alin sa mga kalye namin ang dapat absolutely no parking,
11:43alin sa mga kalye ang pwedeng one-side parking, alin sa mga kalye ang pwedeng paradahan halimbawa sa gabi.
11:50Meron mga commercial establishments, mga restaurants.
11:54Wala rin na paparadahan yung mga customers sila, yung mga patrons sila.
12:01So kung meron namang areas na hindi naman siya high traffic area, kumbaga no.
12:07Bubuo ng technical working group at sa September 1, isa sa pinal ng DILG ang ban.
12:12Oras na ipatapad, non-contact apprehension ang magiging panghuhuli.
12:16Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong ang inyong saksi.
12:19Mga kapuso, maging una sa saksi.
12:24Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended