Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Nalapnos ang driver ng isang closed van matapos itong biglang magliyab habang nagpapakarga ng gasolina sa Caloocan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nalapnos ang driver ng isang closed van matapos itong biglang magliab habang nagpapakarga ng gasolina sa Kaloocan.
00:07Nakatutok si Rafi Tima.
00:11Pilit pang binubugahan ng fire extinguisher ng isang empleyado ang nasusunod na closed van na ito sa isang gasolinahan sa Kaloocan.
00:18Pero lalo pang nagliab ang apoy.
00:19Sa isa pang anggulo, kita ang biglang pagliab ng apoy.
00:35May ilang empleyado pang gusto magsalban ng gamit mula sa gasolinahan pero pinaliyo na sila ng mga nanonood sa sunog.
00:42Agad namang dumating ang mga bumbero na gumamit na ng fire retardant foam para maapula ang apoy.
00:46Ayon sa Bureau of Fire Protection, itinawag sa kanilang sunog bandang alas 11 ng umaga.
00:51Nakontrol ang apoy bago mag alas 12 ng tanghali at tuluyan itong napula 12.15 ng hapon.
00:57Ayon sa gasolin atendan ng istasyon, nagkakarga ng gasolina ang driver ng closed van sa mga plastic drum na nasa laob ng sasakyan ng bigla siyang makaramdam ng init.
01:05Pag lingon ko dun sa likod ko, may apoy na pala.
01:09Maapoy na.
01:10Yung ano ko tapos, sumigaw yung isa kong kasama na may sunog.
01:14Naglabasan na rin noon ang iba pang empleyado ng gasolinahan maging mga empleyado at customer ng katabing bangko.
01:22Dito na niya nakita ang driver ng closed van na empleyado rin ng gasolinahan na tumatakbo.
01:28Ano yung tsura niya?
01:29Wala, sunog buhok.
01:31Basta sunog na siya, walang damit.
01:33Walang ano dito.
01:36Basta yun, sunog na pati buhok.
01:39Nakakasigaw ba siya o?
01:40Hindi, hindi siya nagsasalita.
01:42Pero tumatakbo siya.
01:43Tapos kumuha pa siya ng ano, distinguisher ba yun?
01:49Tapos, oo, tapos hindi niya rin kinaya kasi ang laki na talaga ng apoy.
01:55Sa video ito, kita ang driver ng closed van na inilagay sa isang stretcher para dalin sa ambulansya.
02:00Itinakbo siya sa kalapit na ospital.
02:02Nagtamu siya ng first degree burns at nasa ligtas ng kalagayan.
02:07Matapos ang sunog, kita ang pinsala sa gasolinahan.
02:11Bukod sa closed van, tupok din ang isang pump ng gasoline station.
02:15Sunog din ang bahagi ng bubong ng gasolinahan.
02:17Ang katabing bangko, basag ang salaming harapan, kabilang na ang pintuan.
02:22Agad namang dumating ang kanilang armored personal carrier para ilabas ang mahalagang gamit, dokumento at pera mula sa bangko.
02:28Sa isang statement, sinabi ng may bank na walang nasaktan sa kanilang mga empleyado.
02:32Pero pansamantala munang isasara ang branch habang nagsasagawa ng safety assessment at repair.
02:36Sa inisyal na pagtaya ng BFP, aabot sa 180,000 pesos ang pinsala sa infrastruktura.
02:43Patuloy daw ang kanilang imbistigasyon sa pinagmula ng apoy.
02:47Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.