Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras: (Part 2) Batang nanlilimos habang may kutsilyo, itu-turnover ng Las Piñas City Hall sa DSWD; buhawi, nanalasa sa Ilocos Norte; ilang bahagi ng Luzon, nakararanas pa rin ng epekto ng Habagat; Pirena at Terra, magkikita na kaya sa mundo ng mga tao?, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lube pa rin sa baha ang ilang bayan sa Pangasinan na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at habagan.
00:05Nagpakawala pa ng tubig ang San Roque Dam.
00:08Nakatutok si CJ Turida ng GMA Regional TV.
00:14Halos isang linggo nang tumigil ang mga pagulan sa Pangasinan,
00:18pero patuloy na lubog ang ilang bayan tulad sa ilang bahagi ng Dagupan City.
00:22Pero sa kabila ng mabagan na paghupa ng baha, bukas pa rin ang ilang negosyo.
00:26Umabot daw hanggang 20 ang baha sa loob ng tindahan.
00:29Hanggang ngayon, hindi pa tinatanggal ang mga sandbag sa harap ng establishmento.
00:34May mga clients tayo na kailangan talaga ng generators, submersible pumps and other tools pa.
00:41Kaya nagporsige po kami mag-open.
00:44Hindi rin nakaligtas sa baha ang kantinang ito.
00:46Bubukas na kami sir kasi walang makain, walang puuhunan.
00:50Kaya yun, magbubukas kami. Kahit kaunting tao, magbubukas kami.
00:54Sa tala ng Pangasinan PDRRMO, umabot sa mayigit 400,000 na pamilya
01:00ang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad sa probinsya.
01:04Katumbas ito ng mayigit 1.4 million na indibidwal.
01:07Labing apat na bayan at apat na syudad ang apektado.
01:10Katumbas ng siyam na raan at 33 barangay.
01:14Ang problema, nagpapakawala ngayon ng tubig sa Agno River, ang San Roque Dam.
01:18Binuksan ng napukor ang isa sa anin na gate ng dam upang makapagbawas ng tubig
01:24na umabot na sa 280.62 meters above sea level.
01:29Patuloy kasing nakakatanggap ang San Roque Dam
01:31ng sobrang tubig mula sa Ambuklao Dam at Binga Dam sa Benguet.
01:35Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
01:39CJ Torida, nakatutok 24 oras.
01:43Makakapuso, may bagong low pressure area at cloud cluster
01:51o yung kumpol ng mga ulap na namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
01:56Huling nakikita ang LPA sa layong 955 kilometers east-northeast
02:01ng extreme northern zone.
02:03Mataas ang tsansa nitong maging bagyo sa loob ng 24 oras.
02:06Sabi na pag-asa, posible itong pumasok saglit sa par pero agad din lalabas.
02:11May mga kumpol ng ulap din sa labas ng para sa silangan ng Medinao.
02:15Patuloy na tumutok sa mga posibleng mangyari sa mga namumuong sama ng panahon.
02:18Sa ngayon, habagat pa rin ang patuloy na makaka-afecto sa bansa
02:22pero kumpara noong nakarang linggo ay bahagyang humina na.
02:25Gayunpaman, maging handa pa rin sa tsansa ng ulan sa ilang lugar bukas.
02:29Base sa datos ng Metro Weather, may tsansa pa rin ng ulan sa Elocos Region, Cordillera, Zambales at Bataan.
02:35Posible rin ang ulan sa silangang bahagi ng Luzon at ilang lugar sa Mindoro Provinces.
02:39Pero, mga panandalian at hindi nakasing tindi noong mga nakalipas na araw.
02:44Mababa ang tsansa ng ulan sa Metro Manila pero mag-monitor pa rin ng rainfall advisories.
02:49Halos ganyan din ang panahon sa Visayas.
02:52May mga kalat-kalat na pag-ulan naman sa ilang bahagi ng Mindanao
02:54gaya ng Zambuaga, Peninsula, Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, Barm at Soxargel.
03:01Lumago nga ang ekonomiya ng bansa pero tila hindi pa rin ramdam ng mga maihirap ang epekto nito
03:08ayon po yan sa isang ekonomista.
03:11Ayon sa gobyerno, kung hindi man ma-zero ay target nito ang single-digit poverty incidence hanggang matapos ang termino ng Pangulo.
03:21Nakatutok si Maki Pulido.
03:23Sa statistics ng Department of Economy, Planning and Development o DEP-DEV,
03:31ibinidan itong bumuti ang lagay na ekonomiya sa kalagitnaan ng Administrasyong Marcos.
03:36Umagal ang pagmahal ng mga bilihin at serbisyo,
03:39kumami ang may trabaho at gumaba ang poverty incidence.
03:43Mahigit dalawang milyong Pilipinoan nila ang umahon sa hirap.
03:47These figures reflect the resilience of our economy,
03:50economic, I mean global and domestic uncertainties as well as the outcomes about deliberate and sustained reforms.
03:57Sabi ng ekonomistang si Professor Emanuel Leico,
04:01kung macroeconomic indicators ang titignan tulad ng 1.4% na inflation rate,
04:07mukhang bumuti nga ang lagay na ekonomiya.
04:09Pero kung hihimayin at titignan ng epekto sa mahihirap,
04:12hindi pa rin nila abot ang presyo kahit bahagya lang ang paggalaw.
04:16Pagka ikaw ay walang flexibility yung income mo.
04:21Kung talagang sagad na sagad ang iyong kinikita,
04:24kaya maski na anong bahagya lang ang gumalaw,
04:28eh hindi mo pa rin mararamdaman.
04:30Tulad ni Maricel na kahit magdamag ng mga lakal,
04:33ay kapos ang 300 pesos na kinikita para makakain siya at ang 6 na anak at makapag-aral ang isa.
04:40Sabi ni Dep-Dev Secretary Arsenio Balisakan,
04:54hindi naman niya sinasabing wala ng mahirap.
04:57Kaya tatargetin nila ang single-digit poverty incidence hanggang matapos ang termino ni Pangulong Marcos.
05:03Hindi rin anya siya kontento sa bilis ng paglago na ekonomiya
05:06para maabot ang high-income status ng bansa pagdating ng 2050.
05:10By the time the administration ends in 2028,
05:16poverty will still be 9 percent, single-digit.
05:20We're not saying it's zero.
05:21So it may be that the person you talk with is one of those 9 percent.
05:26But we can ease the pain by helping them getting into that transition.
05:35Para sa GMA Integrated News,
05:37Mackie Pulido Nakatutok, 24 Oras.
05:39Sinagot ng news publication na Daily Tribune,
05:43ang pahayag ni Agap Partilist Representative ni Canor Briones na fake news ang kanilang ulat.
05:50Ang sabi ng Daily Tribune,
05:52pinaninigan nila ang kanilang report kaugnay sa kongresistang nakuha ng nanonood o nanood ng isabong
05:59habang nagbobotohan sa House Speakership noong lunes.
06:04Ang tanong nila, nasaan ang fake news?
06:07May pinapabulaanan daw si Briones ng bagay na hindi naman anila inakusa.
06:14Hiling nila kay Briones i-review ang kanilang post.
06:18Pinalagan din nila ang pagpumanta ni Briones tungkol sa pagpapakulong.
06:23Nauna nang sinabi ni Briones na hindi siya nag-iisabong na ang makuhanan ng video.
06:28May mga natanggap siyang mensahe mula sa pamanggin na nag-iimbita sa kanyang manging sponsor sa derby o sabong.
06:37At yun daw ang pinapanood niya nang kunan siya ng video nang hindi niya alam.
06:42Humingi rin siya ng paumanin sa kamera at sa publiko dahil sa kontrobersya.
06:47Sinagip at nasa kustudiyan na ng Las Piñas LGU ang batang na video ang nanlilimos habang may bit-bit na kutsilyo.
06:55Dahil hindi na kayang alagaan ang mga magulang ang bata.
06:58Ita turnover sa DSWD.
07:01Nakatutok si Darlene Kai.
07:02Nag-viral kamakailan ang videong ito ng isang batang may hawak na kutsilyo habang nasa kalsada.
07:12Sa isang punto, ang bata tumingin sa kumukuha ng video at nag-dirty finger pa.
07:17Ayon sa PNP, ang video nakuhanan sa panulukan ng Alabang Zapote Road at Diego Sera Avenue sa Las Piñas noong July 21.
07:25Ang bata, na-rescue na raw at nasa kustudiyan na ng Las Piñas LGU.
07:29So regularly nga itong mga batang ito ay in-rescue, no?
07:33In-rescue ito ng barangay.
07:37So ngayon, nasa pangalagaan sila ng City, Social Welfare and Development.
07:43Nakarating na rin sa DSWD ang insidente.
07:46When this went viral, nakipag-ugnayan na kami sa local government at nahawa, nasa kanila na, even as we speak.
07:52Unfortunately, supposedly the mother of the minor is a drug dependent.
07:58So hindi niya talaga naaalagaan yung bata.
08:01Sa ngayon, kailangan na raw munang sumailalim sa full evaluation ng social worker ng LGU, yung batang may hawak ng kutsilyo.
08:07Pagkatapos, ito turnover siya sa shelter ng DSWD.
08:11Ang pamahalaan muna raw ang mga ngalaga sa kanya.
08:14Sa ngayong punto na ito, walang kapasidad yung magulang, yung nantitirang magulang na palakihin yung bata.
08:20So the state has to come in.
08:22We will make sure na ma-rehabilitate, ma-iayos, bago natin siya ibalik sa komunidad nila.
08:28Pero nakalatag na yung plano para sa kanya.
08:30Lalo pa raw paigtingin ng Las Piñas PNP ang police visibility sa lugar at mas mahigpit na ipatutupad ang curfew.
08:36Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai nakatutok, 24 oras.
08:40Lumobo na sa mahigit labing pitong trilyong piso ang utang ng Pilipinas.
08:49Una ng isang ekonomista, gumagastos pa rin ang gobyerno na parang may pandemya.
08:54Ang tugon dyan ng gobyerno at kung may balak bang magdagdag ng buwis.
08:59Sa pagtutok ni Maris Umari.
09:01It is always a concern and that's why we're reducing the deficit and making the economy grow at a faster rate.
09:30Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, kung tutuusin para rin naman sa pagpapalago ng ekonomiya at iba pang gastusin ang pangungutang.
09:38Yung inuutang natin, ginagastos natin sa domestic part, yun din sa mga karamihan ng mga infrastruktura natin.
09:46Halimbawa, tulay, kalsada, airport, seaport, irrigation. Diyan na pupunta yung utang natin.
09:55Ganito na rin naman ang ginagawa ng mga pribadong kumpanya kung gusto nitong lumaki ang kita na makalilikha ng dagdag-trabaho.
10:03Sa ating bansa naman, ganun din yun.
10:06Can we borrow money to make the economy grow at a faster rate by giving jobs to people and reducing poverty?
10:15Bawat administrasyon may inuutang. Sa paglipas na mga taon, pataas yan ang pataas.
10:21Maliban lang sa administrasyon ni dating Pangulong Noy Noy Aquino nang bumaba ang inuutang ng Pilipinas.
10:27Pero mula noon, tumaas na ulit.
10:29Nagsimula kasi tayo ng pandemic period. Sarado lahat, walang negosyo, dahil nag-lockdown tayo.
10:37Kailangan ko magbigay ng tulong sa ating mga kababayan. So saan natin pwede kunin yun?
10:41Wala tayong revenues, wala tayong profit sa utang.
10:45Pero puna ng isang ekonomista ngayong tapos na ang pandemia.
10:48Hindi naman na tayo pandemic, pero we are still spending as if it were a pandemic.
10:54And much of it really, I'll have to be brutally frank about this, yung tungkol sa ayuda na many would question really,
11:02is it really the best way to spend money?
11:06Ang increase nito ay napaka-minimal. Single digits.
11:11If you compare it to the previous, well, the previous administrations at least,
11:17kaya ito lumaki ng ganito. Kasi ang utang compounded, di ba?
11:20Kahit ang mga mayayamang bansa nangungutang, sa Southeast Asia, mas malalaki pa ang utang ng Singapore, Indonesia at Thailand kaysa sa Pilipinas.
11:30Yan ang katotohanan. Lahat yan may utang.
11:33Bukod kasi sa laki ng utang, ang mas dapat tinitignan ang kakayahan ng isang bansa na magbayad.
11:38Nasusukat yan ang debt-to-GDP ratio o ang halaga ng mga produkto at serbisyo sa isang bansa sa loob ng isang taon kapag ibinanga sa ibinabayad sa utang.
11:48Sabi ng mga eksperto, masasabi pa namang kayang magbayad ng isang bansa kung nasa bandang 60% yan.
11:55Sa Pilipinas, pinakamataas na simula noong 1987 ang mahigit 71% na debt-to-GDP ratio noong 2004.
12:03Bago yan, tuloy-tuloy na ang bumaba sa halos 40% na lang noong 2019 bago tumaas na naman.
12:11Ngayon na sa mahigit 62% na yan.
12:13Bahagi ng pambayad, syempre, ang buwis na binayaran hindi lang ng mga may sahod, kundi sa marami nating binibili tulad ng VAT.
12:21May balak bang dagdagan yan?
12:23Wala naman. Wala kaming balak na bagong buwis.
12:26Inaayos lang din natin yung patakbo ng ating ekonomiya. May mga konting pagbabago.
12:32Sa huli, bukod sa laki ng utang at kakayahang bayaran nito, dapat bing tignan ay kung may napupuntahan ba talaga ang inutang na mga Pilipino rin ang papasan.
12:42Para sa GMA Integrated News, Marie Ziumali Nakatutok, 24 Aras.
12:47Nakaalis na mga bagyo pero ramdam pa rin ang efekto ng habagat sa ilang bahagi ng bansa.
12:52Gaya po sa ilang lugar sa Luzon na inulan at hinagupit pa ng buhawi.
12:57Nakatutok si Ivan Mayrina.
13:02Labig isang bahay ang napinsala ng buhawi sa Lawag, Ilocos Norte.
13:07Natuklam ang bubong ng ilan habang nagtumbahan ng ilang puno.
13:11Ayon sa CDRMC, inaalam pa ang halaga ng pinsala pero wala namang naiulat na nasaktan.
13:16Sa isa pang bahagi ng Luzon, may mayatmayang pagkidlat.
13:19Habang sa bayan ng Burgos, umulan ang malakas dahil sa habagat.
13:24Nagpaulan din yan sa Baguio City.
13:26Habang ibang bahagi ng City of Pines, nabalot ang makapal na hamog.
13:30Under state of calamity naman ang buong Occidental Mindoro sa kitna ng pinsala ng mga nagdambagyo
13:35at habagat na mahigit 250 milyon pesos ayon sa Kapitolyo.
13:40May pagkakataon pa ang walang mabilhan sa mga tindahan sa lungsod ng Mamburaw
13:43noong kasagsagan ng bagyo ayon sa munisipyo.
13:46Pero dumating na ang mga supply ayon sa Office of Civil Defense.
13:50Para sa GM Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok 24 Horas
13:55Itinalagang bagong pinuno ng Philippine Army,
13:59ang leader ng AFP Western Command na si Lieutenant General Antonio Nafarete.
14:06Pinalitan ni Nafarete si Lieutenant General Roy Galido
14:09na naabot na ang mandatory retirement age na 57 years old.
14:15Bili ni Pangulong Bombong Marcos kay Nafarete.
14:17Maging mapagmatyag at iyaking malinaw ang direksyon ng Philippine Army
14:22sa gitna ng tensyon sa regyon at kawalang kasiguruhan sa mundo.
14:28Sa isang talumpati, sinabi ni Nafarete na prioridad niya
14:32ang kapakanan ng mahigit isandaang libong kawani ng Philippine Army.
14:36Samantala, nakatakdang lumipad pa India ang Pangulo
14:39para sa isang state visit mula August 4 hanggang 8,
14:44na taon nito sa pagdiriwang ng 75th anniversary
14:48ng pagtatatag ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at India ngayong 2025.
14:59Mas lalo pang di dapat palagpasin ang upcoming episodes ng Encantadia Chronicle Sangre
15:04dahil malapit na ang inaabangang pagkikita ni na Sangre Perena at Sangre Tera.
15:11Pero bago niya, nagpasaya muna ang ENCA star sa mall show sa Pangasinan.
15:15Makichika kay Nelson Canlas.
15:21Tila magbubunga na ang heartbreaking na sakripisyo ni Nunong Imaw
15:25kaya siya nabulag.
15:29Dahil sa muling pagbabalik ni Perena sa mundo ng mga tao,
15:34magkuklust na ang landas nila ng kanyang hadiya o pamangkin
15:40na si Tera.
15:43Tanong ng fans, ito na ba ang simula sa sama-sama ng mapapanood sa screen?
15:49Ang mga bagong tagapanganaga ng brilyante?
15:51Pero habang wala pa yan, spotted na magkakasama ang apat na new-gen Sangres
16:02sa bagong TikTok video ni Bianca Umali.
16:07Good vibes din ang kulitang ito sa post ni Sangre Flamara, Faith na Silva.
16:12Speaking of faith, kasama niya ang Encantadia Chronicle Sangre co-stars
16:20sa pagpapasaya ng mga kapusong pangasinense sa Kapuso Mall Show
16:25gaya ni sparkle artist Terrence Malbar
16:28at John Lucas.
16:37Chillingly powerful production number din ang pasabog ni Kera Mitena,
16:41Rian Ramo, in her Metti of Song.
16:46Dumagundong na palaksakan at liyawan nang lumabas si Sangre Pera Bianca.
16:51Masaya po ko kasi patuloy lang na mainit ang pagtanggap nila sa akin dito.
16:55Thank you so much sa inyong suporta sa Encantadia
16:57and for coming and making us feel welcome.
17:00May games at meron ding Encantadia cosplay ang kids
17:04na nagbihis alatera
17:06at meron ding rumampa in Mitena outfit.
17:09Nakakatuwa talaga at nakaka-excite
17:11at ang gagaling talaga nila gumawa din ang mga version nila ng mga costumes.
17:16Nakakatulong ng puso kasi
17:18ang sinasabi nga nila, you know you made it
17:21kapag in-impersonate ka na ng mga tao.
17:25Kapag ang mga bata lalo ay nakikita na very expressive sila
17:28na iniidolo ka nila.
17:30Nelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.

Recommended