Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Kasunod ng magnitude 8.8 na lindol na tumama sa Kamchatka sa Russia itinaas ang tsunami warning sa ilang bansang nasa pacific ring of fire, kabilang ang Pilipinas. Libo-libong residente ang nagsilikas papunta sa mataas na lugar. May report si Joseph Morong.


Tip talk: Tsunami 101


Hindi tipikal na alon at hindi daluyong ang mga tsunami, ayon sa PHIVOLCS. Narito ang tip talk tungkol sa kung ano ang tsunami at ang mga dapat gawin para makaligtas mula rito.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kasunod ng magnitude 8.8 na lindol na tumama sa Kamchatka sa Russia,
00:05itinaas ang tsunami warning sa ilang bansa na nasa Pacific Ring of Fire, kabilang ang Pilipinas.
00:11Libo-libong residente ang nagsilikas papunta sa mataas na lugar.
00:15May report si Joseph Moro.
00:19Parang eksena sa pelikula, pagdosos ng napakaraming bato mula sa kabandukang yan sa Kamchatka sa Russia.
00:25Mamaya, nabalot na ito ng makapal na usok.
00:31Nangyari yan, kasunod ng magnitude 8.8 na lindol sa Kamchatka Peninsula.
00:36Dahil sa malawakang rock slide na patalon sa dagat, ang mga tila natatarantang sea lion.
00:41Sa likod nila ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga naglalakihang bato.
00:46Nakuna namang gumagalaw ang tuktok ng isang bell tower ng simbahan doon.
00:50Ang mga nabutan sa bahay, napasigaw sa takot.
01:01Nagpagsaka ng maraming gamit.
01:04Ang medical team sa isang cancer clinic napahinto sa operasyon nang maramdaman ng pagyanig.
01:11Digtas naman ang pasyente.
01:12Gumuho naman ang bahagi ng isang kindergarten school.
01:17Mabuti na lamang walang tao noon sa eskwelahan.
01:21Ayon sa Geophysical Service of the Russia Academy of Science,
01:25ang 8.8 magnitude na lindol ang pinakamalakas at tumama sa Russia mula 1952.
01:30Panglima naman sa buong mundo batay sa United States Geological Survey.
01:35Kasunod ng malakas na pagyanigay ang mga bantanaman ng tsunami.
01:39Sa isang coastal town sa Russia, inanod ang mga bahay at gusali na nasa tabing dagat.
01:45Umabot hanggang labing anim na talampakan ng mga alon.
01:49Sunod na binalaan ang mga otoridad ng posibleng tsunami ang mga bansang nasa Pacific Ring of Fire gaya ng Japan.
01:55Lumika sa rooftop ng ilang matataas na gusali ang mga taga Hokkaido matapos maglabas ng evacuation warning ang gobyerno.
02:07Binalaan din ang mga operator ng mga sasakyang pandagat.
02:10Ayon sa kanilang weather agency, umabot sa 1.3 feet ang tsunami sa Hokkaido.
02:15Abot din ang tsunami warning sa Hawaii.
02:20Ipinagbawal ang pagligo sa dagat sa Honolulu.
02:23Habang sa kilalang Waikiki Surf Beach, matindi na ang traffic ng mga gustong lumikas sa matataas na lugar.
02:28Ipinasara na rin muna mga commercial harbor sa lugar at ganun sa land flights papunta at paalis ng Maui.
02:34Nag-abiso na rin si US President Donald Trump ng tsunami warning para sa mga nakatira sa Hawaii, Alaska at Pacific Coast.
02:41Dito sa Pilipinas, naglabas ang tsunami warning ang FIVOX sa 20 coastal era sa Pilipinas.
02:47Kaya pansamantalang sinusupindi ang biyahe ng ilang barko sa Bicol at Davao.
02:51Inutus din ang preemptive evacuation sa ilang lugar na may tsunami warning.
02:56Pasado alas 4 ng hapon, binawi rin ang FIVOX ang tsunami advisory matapos walang naitalang malaking pagbabago sa sea level.
03:03Ayon sa Department of Migrant Workers, wala silang natanggap na ulat na may naapekto ang OTHW sa lindol at tsunami.
03:09Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:19Hindi tipikal na alon at hindi daluyong ang mga tsunami ayon sa FIVOX.
03:25Narito ang tip-talk tungkol sa kung ano ang tsunami at ang mga dapat gawin para makaligtas mula rito.
03:31Ayon sa FIVOX, ang tsunami ay sunod-sunod na alon na maaring umabot ng lampas limang metro o katumbas na mahigit isang palapag ng gusali ang taas.
03:41Karaniwang lika ito ng malakas na lindol na ang epicenter ay nasa ilalim ng dagat.
03:47Pwede rin sanhiit nito ang underwater landslide pagsabog ng bulkan at kuminsan ay pagtama ng malaking meteorite sa karagatan.
03:55Senyalis ng paparating na tsunami ang malakas na pagyanig, biglang pagwaba o pagtaas ang label ng tubig dagat at dumadagundong na tunog ng paparating ng mga alon.
04:07Kapag may banta ng tsunami, agad na lumayo sa dagat at magtungo sa mataas na lugar para maging ligtas.
04:13Huwag nang panoorin o kunan ng video o letrato ang pagdating ng tsunami.
04:17Kung makita mo na ang tsunami, masyado ka nang malapit dito para matakasan.
04:24Pagkatapos ng tsunami, hintayin muna ang abiso ng mga otoridad kung ligtas nang umuwi sa bahay.
04:47Pagkatapos ng tsunami, hintayin mga otoridad kung ligtas nang umuwi sa bahay.

Recommended