Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Kabilang ang pilipinas sa mga nag-isyu ng tsunami warning dahil sa paglindol sa Russia bagaman binawi na 'yan ng PHIVOLCS bago mag-5pm at walang naging pinsala. Sakaling mangyari sa Pilipinas, ang ganyang kalakas na lindol sa dagat gaano katagal naman meron para lumikas bago tumama ang mga tsunami?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At kabilang po ang Pilipinas sa mga nag-issue ng tsunami warning dahil sa paglindol sa Russia.
00:05Bagaman, binawi na yan ang FIVOX bago mag-alas 5 ng hapon at walang naging pinsala.
00:10Sakaling mangyari sa Pilipinas ang ganyang kalakas na lindol sa dagat,
00:14gaano katagal naman meron para lumikas bago tumama ang mga tsunami?
00:18Nakatutok si Chino Gaston.
00:23Kahit naramdaman sa kalupaan ng Russia,
00:26nasa dagat talaga ang mismong epicenter ng magnitude 8.8 na lindol na tumama sa Kamchatka Peninsula roon.
00:36Kaya lumikha ng tsunami ang matinding paggalaw sa ilalim ng dagat.
00:41Mabilis na binalaan ang mga bansa sa Dagat Pasipiko,
00:45kabilang ang China, Hawaii, Solomon Islands, Ecuador at Chile.
00:49Pati Pilipinas, kahit pa limang libong kilometro ang layo mula sa Kamchatka-Russia.
00:56Hanggang halos isang metrong alon ng tsunami ang posibleng humampas sa mga baybaying nakaharap sa Pacific Ocean,
01:03mula Luzon hanggang Mindanao.
01:05Doon sa Russia, hindi ko alam, but I'm sure mataas ang tsunami doon.
01:09But it travels for more than 6 hours or at least 6 hours.
01:13So habang may tinatamaan ng mga island, siya naliit.
01:16Kaya inalerto ang mga tauha ng Philippine Coast Guard.
01:20We also inform yung ating mga bangingisda, yung ating mga naglariyag,
01:25kung pwedeng huwag po munang pumalao at lasa posibleng magiging epekto ng tsunami.
01:29Definitely hanggang nakataas po yan, our DRGs are on standby and kept on coordination with the LGUs, DRMs,
01:37and ating mga coastal barangays.
01:38Agad pinalikas ang mga nasa baybayin sa silangang bahagi ng bansa tulad sa Cagayan.
01:44Nagsuspindi rin ng klase ang ilang LGU at pinalayo ang mga turista sa mga baybayin sa abiso ng Department of Tourism.
01:52Dahil walang naitalang sea level disturbances,
01:54mag-aalas 5 ng hapon kanina nang ilift ng FIVOX ang tsunami warning.
01:59Pero ano nga ba ang magiging epekto kung mangyari ang 8.7 magnitude na lindol sa dagat ng Pilipinas?
02:06Ayon sa FIVOX, ang Philippine Trench lang na nasa eastern seaboard ng Visayas at Mindanao
02:11ang pwedeng magdulot ng ganitong kalakas na lindol na mauuwi sa tsunami.
02:17Oras na mangyari ito, may dalawa hanggang labing limang minuto lang
02:20para palikasin ang mga nasa baybayin sa silangang bahagi ng bansa bago tumama ang tsunami.
02:27In the Philippines po kasi, pag nandito lang nangyari sa bakura natin o within Philippines,
02:32it takes only 2 minutes. Maswerte na po yung mga bayan na may 15 minutes.
02:37As early as mga 10 years ago pa, we encouraged all the communities, the LGUs,
02:43to really develop their tsunami evacuation plans.
02:47Para sa GMA Integrated News,
02:49Sino gasto na katutok 24 oras?

Recommended