00:00Bilang suporta sa pahayag sa SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pananagutin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na kinukubra ang pera ng bayan na dapat sa flood control projects,
00:14magkakaroon ng pagpupulong ngayong linggo ang Department of Budget and Management kasama ang ilan pang mga ahensya, si J.M. Pineda sa Sentro ng Balita.
00:23Pinasaringan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga opisyal ng pamahalaan na kinukubra ang mga pera na dapat nakasentro sa mga flood control projects.
00:34Nito ang mga nakaraang bagyo na pumasok sa bansa, nakita umanomismo ng Pangulo ang epekto ng walang saisay na mga proyekto dahil sa pagbubulsa ng pondo.
00:43Tinawag niya pa itong palpak at guni-guni lamang dahil sa malawakang bahan na nangyari sa Metro Manila.
00:49Isa sa mga naapektuan ng pagbaha noong nakarang linggo ay ang Nabotas.
00:54May mga lugar dito na halos bewang ang baha dahil sa lakas ng ulan na sinabayan pa ng high tide.
01:00Ang sinisisi pa rin ng mga residente, ang sirang navigational floodgate sa lugar na parte ng flood control projects.
01:06Kaya malaking bagay para sa mga taga Nabotas, lalo na kay Tatay Romela na matagal nang nasaksiyan ang baha rito na mismong Pangulo ang nanita sa mga kurakot na opisyal.
01:16Panawagan pa nito na bilisan ang aksyon ng pamahalaan.
01:20Para sa akin, sana maagang mga pahayos. Para sa kanyang mga pamilya, ba't mga pagbabayo, mawala naman pa yung pagbaba.
01:27Samantala, inihayag naman ni Budget Secretary Amena Pangandaman ang kagustuhan nito na gawin din sa ibang lugar o probinsya
01:34ang mga proyektong hawak ng MMDA gaya ng mga pumping station, solid waste granulator at mga brickmaking facility.
01:41Kaninang umaga, ay ipinakita ng MMDA kay Pangandaman ang pasilidad at kung ano ang proseso at tulong nito para mabawasan ang mga basura sa mga daluyan ng tubig.
01:51Maiiwasan na rin daw dito ang maalawakang pagbahas sa Metro Manila.
01:55Pero ang tanong, posible ba ito?
01:57Malaki, no? Siguro kakausapin ko yung aking mga kasama sa Econ Team, si Sec RC Balisacan, siya ang planning department natin, si Sec Recto, dahil siya ang nag-finance ng mga ito.
02:10Siguro gagawa natin ng paraan para makapag-present sa convergence meeting si Chairman Artes para pwede natin maparami yung ganitong klaseng proyekto.
02:23Hindi lang sa Metro Manila. Kung kulang pa sa Metro Manila, pati sa ibang lugar.
02:28Ngayong linggo rin, ay magkakaroon ng pagkupulong ang DBM kasama ang ilan pang mga ensya para sa mga flood control projects gaya na lamang ng master drainage plan sa Metro Manila.
02:37Dahil iyon po talaga ang isa sa pangunahin na dapat ayusin para yung mga drainage natin magkausap-usap, magkakaduktong, yung level niya tama.
02:49Kasama rin sa pagpupulungan ang catchment basin project sa mga lugar na binabaha.
02:54Ang catchment basin sa ilalim, yung lagi natin sinasabi bakit ang Japan meron, ang BGC meron, bakit hindi natin gawin sa major areas sa Metro Manila.
03:04So titignan din po namin yan sa susunod kung saan kami pwede maglagay ng mga catchment basin sa ilalim po ng lupa.
03:12Bahagi umano ang mga inisyatibong ito sa panawagan ng Pangulo, nabantayan ang mga proyekto na pumuprotekta sa mga Pilipino, lalo na sa malawak ang pagbaha.
03:21JM Pineda, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.