Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Evidensya at hindi lang daw basta testimonya ang hawak ng isa pang testigo sa pagkawala ng mga sabongero ayon sa Department of Justice.
00:07Naharap naman sa mga kasong administratibo ang labindalawang polis na isnasangkot din sa kaso.
00:13May unang balita sa Emil Sumangil.
00:18Labing limang araw makaraang maghain ng administrative complaint ang whistleblower na si Dondon Patidongan alias Totoy at labing pitong kamag-anak ng mga nawawalang sabongero.
00:28Formal ng kinasuhan ng National Police Commission on Apolcom sa kanilang legal service ang labing dalawang polis na isinasangkot ni Patidongan sa kaso ng mga missing sabongero.
00:41Grave misconduct, grave neglect of duty at conduct unbecoming of a police officer ang ikinaso laban kay Police Colonel Jacinto Malinao Jr.
00:51Hiwalay na kaso naman ng 6 na counts ng grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer ang ikinaso laban kay na Police Lieutenant Colonel Ryan J. Orapa, Police Major Mark Philip Almedilla at siyam na iba pang polis.
01:07They will be given time to file their answers. After which, magkakaroon ng hearings dito. Kung kinakailangan, magka-file sila ng kanilang proper pleadings or position papers.
01:20I'm not prejudging the case. But since these are grave offenses, ang lowest penalty for a grave offense is suspension.
01:28Ang middle penalty for grave offenses ay demotion. At ang pinahamalupit na parusa para sa grave offenses ay dismissal from the police service.
01:39And of course, for the future of all benefits.
01:41Sinusubukan ng GMA Integrated News na makuha ang kanilang panig.
01:45Nagsadya kami sa Cab Crame Headquarters Support Service kung saan sinasabing nakakustody ang mga kinasuhan polis pero wala kaming nakausap.
01:53Nakipagugnayan din kami sa PNP Public Information Office para makuha ang abugado ng mga kinasuhan pero wala pa silang tugon sa amin.
02:02Bukas ang GMA Integrated News sa reaksyon ng mga polis na sangkot.
02:06Ang kaanak ng mga nawawala. Ikinatuwa ang pagsasampan ng reklamong administratibo laban sa mga itinuturong polis.
02:14Lalo ro silang nabuhayan ng loob nang mabanggit pa ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang sona ang kasong ito.
02:21Hahabulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot si billion man opisyal.
02:26Papasalamat po kami sa presidente na nabanggit niya sa sona na hindi niya lulubayan yung samisin sa bongero.
02:33Sana nga po. Inintayin namin makasuhan talaga pong ang mastermind.
02:37Ayon kay attorney Rafael Vicente Kalinisan ng NAPOLCOM, tuloy ang investigasyon para sa iba pang maaring sangkot sa kaso.
02:44Isiniwalat din niyang may mga gumagapang umano para impluensyaan ang kanilang investigasyon.
02:51There are two groups. Yung una, isang bossing ng sabong.
02:55Doon sa pangalawang grupo, tinawagan yung isang very very close sa akin.
03:00Ano sa tingin niyo, nababayaran kami dito? Hindi kami nababayaran dito.
03:04Sa pulong naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Rebulia at PNP Chief General Nicolas Torre III
03:11na pag-usapan ng paglutang ng isa pang testigo na magpapatibay sa mga pakayag ni Pati Dongan.
03:17Sibilian, hindi lang itong testimonial evidence, may real evidence na involved dito.
03:22Meron ditong totoong ebidensya na bukod sa kwento, meron itong sariling ebidensya pa na kalakit.
03:29Ito ang unang balita, Emil Sumagil para sa GMA Integrated News.
03:35Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:37Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.

Recommended