Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Kalusugan at edukasyon ang ilan sa mga pinaka-tinalakay po ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address.
00:16Kabilang dyan, ang tuloy-tuloy na pondo para sa libreng kolehyo at zero balance billing sa mga DOH hospital.
00:24Balitang hatid ni Maris Omali.
00:25I-tinuloy na po natin ang zero balance billing. Wala nang kailangan bayaran ng pasyente basta sa DOH hospital dahil bayad na po ang billing.
00:43Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagsabi, dito sa atin, mahal magkasakit.
00:49Pero makakaasa pa rin daw ang mga pasyente sa Medical Assistance Program.
00:53Kasama na nga ang zero balance billing sa mga ospital na pinatatakbo ng DOH.
00:58Ibinida rin ang Pangulo ang pagdami ng bagong urgent care and ambulatory services o bukas centers para sa libreng check-up, x-ray, lab tests at iba pa.
01:09Sa kaunahang-unahang pagkakataon, ang bawat bayan po sa Pilipinas ngayon ay may doktor.
01:16Kabilang sa pinalawak na PhilHealth benefits ayon sa Pangulo, ang libreng mga sesyon at gamot na mga nagpapadialisis at 2.1 million pesos na limit para sa kidney transplant.
01:28May Cancer Assistance Fund na rin at PhilHealth coverage para sa atake sa puso, open heart surgery at heart valve repair o sa replacement.
01:36Padadaliin pa natin ang proseso ng medical assistance dahil ipapasok na po ito sa ating e-gov app.
01:44Ipinagmalaki rin ang Pangulo na sa kanyang administrasyon, halos isa't kalahating milyong pamilya ang gumandang buhay at nakagraduate na mula sa 4-piece o pantawid pamilyang Pilipino Program.
01:55600,000 kabahayan daw ang matutulungan sa ikalawang taon ng walang gutom program.
02:02Mahigit 3 milyong mag-aaral naman ang nakasama sa feeding program ng DSWD at DepEd sa daycare centers at public schools.
02:09Sa susunod na taon, sa tulong ng karagdagang isang bilyong pisong pondo, pararamihin pa ng DSWD ang bilang ng mga batang mabibigyan ng masustansyang pagkain.
02:22Alam naman natin, basta't may laman ang tiyan, may laman ang isipan.
02:27Ipinunto naman ang Pangulo na sa lahat ng pinahahalagahan ng kanyang administrasyon na sarurok pa rin ang edukasyon.
02:33Ngayon taon, sinimula na natin ang Academic Recovery and Accessible Learning o Aral Program at pinalalakas din natin ang Early Childhood Care and Development.
02:46Naglaan tayo ng isang bilyon para makapagtayo ng mahigit 300 barangay child development center at bulilit center sa buong bansa.
02:55Pinaspasan na raw ang pagbabakuna sa mga bata at babantayan pati kanilang mental health.
03:00Tututukan din ang kalusugan ng mga guro sa bagong lunsad na yakap caravan.
03:05May libre check-up at lab tests katulad ng cancer screening para sa kanila, pati na libre gamot.
03:1122,000 silid aralan na rin daw ang nabuksan.
03:15Katuwang ng pribadong sektor, sisikapin natin madadagdagan pa ng 40,000 silid aralan bago matapos itong administrasyon.
03:24Nakahanda na rin daw ang mga high-tech at digital na gamit smart TV, libreng Wi-Fi at libreng load sa bayanihan sa SIM card para makasabay ang mga estudyante sa makabagong paraan ng pag-aaral.
03:36Ngayon, nagdaratingan na ang mga laptop na laanpara sa bawat guro sa public school.
03:42Kiniyak natin na walang anomalya sa pagbili ng mga laptop na ito.
03:48Halos 12,000 pampublikong para lang pa ang walang internet.
03:53Kaya sinusiguro ng DICT at ng DepEd na bago matapos ang taong ito,
03:58magkakaroon na ng koneksyon ng internet ang lahat ng pampublikong para lang.
04:04Pinakamahalaga rao sa edukasyon ng mga guro.
04:08Nadagdagan ang mga nabigyan ng trabaho sa pagbubukas ng 60,000 teaching items.
04:13Saat ngayong school year na ito, makakatanggap na kayo ng kabayaran para sa inyong teaching overload at para sa inyong overtime.
04:23Sa kolehyo, 260,000 na estudyante rao ang nadagdag sa bilang ng mga libreng pinag-aaral.
04:29Maglalaan pa rin daw sa susunod na taon ng 6 na bilyong piso para rito.
04:33Kaya mga magulang, sulitin na ninyo ang mga pagkakataong ito.
04:39Dahil hangat natin na sa lalong madaling panahon,
04:43ang bawat isang pamilya ay may anak na nakapagtapos ng kolehyo o sa testa.
04:50Sa susunod na taon din, tatapusin ang halos 200 planta ayon sa Pangulo bilang solusyon sa problema sa kuryente.
04:57Pinulaan din ang Pangulo ang anya ay palpak na serbisyo ng mga water district at kanilang joint venture partners.
05:04Marami kaming natatanggap na reklamo na hindi man lang daw umaabot ang tubig sa kanilang mga gripo.
05:11Sa lawak ng reklamo, lampas 6 na milyong consumer sa buong bansa ang kasalukuyang naapektuhan.
05:19Titiyakin daw na mapapanagot ang mga nagpabaya.
05:23Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.