Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nanatili sa evacuation center ang mahigit sa siyam na libong residente mula sa ibat-ibang lugar sa Pangasinan dahil pa rin yan sa hindi humuhupa na baha.
00:10May ulat on the spot si CJ Torida ng GMA Regional TV.
00:15CJ, sa tala ng Pangasinan PD-RRMO, nasa mahigit 2,600 na pamilya pa ang nasa ibat-ibang evacuation center sa probinsya.
00:24Katumbas ito ng 9,302 na indibidwal sa Dagupan City, nasa 94 pamilya ang nanatili sa People's Astrodome.
00:36Katumbas ito ng 366 na indibidwal. Galing sila sa mga barangay ng Laseb Grande, Bogot Chico, Tapwak at Barangay 2 and 3.
00:45May ibinigay na modular tents sa mga evacuee. 60% sa mga evacuee, edad 20 hanggang 59.
00:51Siyam. Nakatutok ang mga otoridad sa pangangailangan ng mga evacuee.
00:55Nakabantay rin ang health authority sa kalusugan ng mga inilikas na residente.
01:00Hindi pa tiyak kung kailan makakauwi ang mga evacuee dahil may baha pa sa kanilang mga kabahayan.
01:06Sa Barangay Maluod, 151 families pa ang nasa evacuation center.
01:11Binabaha pa rin ang nasa 70% na bahagi ng barangay, lalo na sa mga mabababang lugar.
01:16Chris, kung mapapansin natin sa aking likuran, mataas ang baha dyan sa mga nakalipas na araw.
01:26Pero ngayon, kahit pa paano, ay bumaban na rin ang antas ng baha.
01:30Samantala, sa mga oras na ito, Chris, mga kapuso, nagkararanas tayo ng makulimlim na panahon dito sa Dagupan City.
01:37Balik sa iyo, Chris.
01:37Maraming salamat si Jay Torida ng GMA Regional TV.

Recommended