Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
SAY ni DOK | Kahalagahan ng breastfeeding at mga benepisyo nito a sanggol

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, sa ating mga manonood ngayong umago, lalo na po sa mga breastfeeding moms,
00:05bago pa lamang sa motherhood stage,
00:07ating po pag-uusapan kung gaano po kahalaga ang breast milk at mga beneficyo na may bibigay po nito sa mga sanggol.
00:13Makakapanihan po natin ngayon upang bigyan tayo ng kaalaman patungkol sa breastfeeding.
00:18Makakasama po natin ang Pediatrics and Lactation Specialist na si Dr. Therese Maria T. Ribano.
00:24Dr. Ribano, magandang umaga po. Welcome po sa Rise and Shine, Filipinas. Diane Quirer po ito.
00:28Hi, magandang umaga po.
00:30Alright, Dok. Gaano po kaimportante ang breastfeeding ng isang inak sa kanya pong sanggol?
00:34Ano po ba yung mga beneficyo na naibibigay po nito doon sa bata?
00:40Kasang po sa mga beneficyo na naibibigay sa bata ay ang tamang nutrisyon,
00:47na yung sapat na nutrisyon siya para doon sa isang sanggol sa bawat antas ng kanyang buhay.
00:54So halimbawa, alam natin na yung artificial milk merong 0 to 6, tapos 6 to 12, tapos yung follow-on.
01:05Sa breast milk, walang ganyan.
01:08Pag nagpapasuso ng bata, automatic na nagbabago yung dami na nutrisyon, yung tamang nutrisyon para doon sa sanggol na naaayon sa kanyang edad.
01:19Pangalawa, nakakapagbigay siya ng proteksyon laban sa mga sakit, mga katulad ng sakit sa baga, sakit sa chan, yung pagsusuka, pagtatae.
01:36Maraming mga beneficyo siya para doon.
01:38And later on, para sa mga chronic illness, tulad ng diabetes, hypertension, atakit sa puso, pati sa leukemia, nakakapagbigay ng proteksyon ang breastfeeding para doon.
01:54Right, ma'am. Doc, ano po ang pagkakaiba po ba ng breast milk sa formulated milk?
01:58At ano po po yung kaibahan na napoprovide ng formulated milk, Doc?
02:02Ang pagkakaiba nila, of course, ultimately, ay source.
02:09Ang breast milk usually ay nagagaling sa human.
02:13Ang human breast milk ay galing sa tao.
02:16Ang formula milk ay kalimitang nagagaling sa baka.
02:21Paminsan-minsan, ito ay nagagaling sa gumbing.
02:25So, even yung protein source niya kasi, kasi bawat isang, bawat isa sa atin, merong kanya-kanyang mga protein sources.
02:39So, ang breast milk galing sa tao, ibang-iba ang protina kesa sa breast milk na gatas na nagagaling sa baka at saka sa kambing.
02:51So, ito ay magmamatter dahil sa pag-absorb sa kanya sa katawan.
02:57Ito ay magmamatter dahil sa kung ano yung mga laman na nutrisyon.
03:03Bukod doon, pag nagpapasuso, yun na yun eh.
03:09Raw, unfiltered, ito ay straight from the source.
03:13Safe siya kasi, essentially, yung vessel kung saan nagagaling ang gatas na yun,
03:19eh, ano naman siya, it's a closed system.
03:24Ang problema natin sa artificial milk formula ay hindi natin masasabi na meron na safe siya, 100%.
03:35Dahil sa, open siya eh, yung lata nandyan, tapos yung tubig na gagamitin mo,
03:43pwedeng magkaroon ng mga mikrobyo na makakadulat ng sakit.
03:46So, kahit doon pa lang sa mga basics na yun, makikita mo talaga ang pagkakaiba niya.
03:53Dr. Rebano, magandang umaga po, Audrey Guriceta.
03:57Doktora, hanggang ilang buwan o ilang taong gulang dapat makapag-breastfeed sa isang sanggol?
04:02Okay, so, ang eksklusibong pagpapasuso ay rinirekomenda namin sa unang anim na buwan ang buhay ng isang bata.
04:13And mula anim na buwan hanggang 24 months and beyond, so 6 months hanggang 2 years,
04:20ay rinirekomenda namin ay magpatuloy ng pagpapasuso na may kasamang corresponding na solid na pagkain or complementary.
04:37Pag doktora, dapat po bang hindi maputo lang breast milk ng isang nanay hanggang sa kung ilang taon lang dapat ang breastfeeding sa kanyang anak?
04:45Um, ideally, hindi dapat siya napuputol.
04:51Ideally, kahit na magkasakit yung sanggol o magkasakit yung ina at some points, hindi mo may iwasan yan eh.
04:58Alimbawa, isipin mo kahit yung pinakabasic na unang anim na buwan ang buhay ng isang sanggol,
05:04na eksklusibo dapat ang pagpapasuso, pwede naman magkaroon ng sakit.
05:08Pero pag naputol siya ng panandalian, kailangan lahat ng efforts magawa para makabalik sila sa pagpapasuso.
05:16Hindi dahil sa naputol at some point, ibig sabihin ay tapos na.
05:22As much as possible, tinatry talaga natin na maabot ang 24 buwan, ang 24 months ng buhay.
05:32Kasama nga yan doon sa pinaplano sa WHO at sa UNICEF, ang tinatawag na unang isang libong araw ng isang sanggol.
05:43Siguro na dininig na natin yan, na mention na rin po yan ang ating presidente,
05:48na isang importante na kasama sa tinitignan natin under the universal health.
05:55Well, Doktora, may mga nakausap akong ilang kaibigan ng mga babae na inabot lamang daw ng dalawang buwan yung kanilang pagpapa-breastfeed dahil wala nang lumalabas na gatas.
06:07So, ano po ba yung kaso nito? Pwede po bang maiba yung sitwasyon?
06:12Okay, pag nagpapasuso kasi ang isang ina, yan yung tinatawag natin na feedback mechanism.
06:22Okay, ano ibig sabihin nun?
06:24Ibig sabihin nun, dadami lang yung gatas pag napapasuso nyo yung sanggol.
06:30Ito yung reason kung bakit kami ho, mga pediatrician, mga obstetrician, mga midwife, mga nurse,
06:39as much as possible, talaga akong, simula't simula, tinatay namin maturo sa ina yung tamang hakab, tamang latching, tamang pagpuposisyon.
06:52Dahil yan ang pundasyon ng lahat ng pagdami ng gatas, pagpapasuso ng mas matagal,
06:59at saka para masigurado na hindi mananakit ang paghakab ng isang sanggol sa ina.
07:06Na kalimitan, yan talaga ang nagiging isang dahilan kung ba't tumitigil ang pagpapasuso ng isang ina.
07:14Pero bukod dun, isa pang malaking rason kung bakit natitigil ang pagpapasuso ng mga ina ay ang pagbalik sa trabaho.
07:22Sa Pilipinas nga, mabuti na rin.
07:26Isa tayo sa bansa na may pinakamahaba na paid maternity leave para sa mga ina.
07:35Pero kailangan pa rin nila bumalik sa pagtatrabaho.
07:39Marami sa workforce natin ay mga kababaihan na mga ina na may mga sanggol.
07:48Kailangan nila bumalik sa pagtatrabaho, kaya minsan natitigil ang pagpapasuso.
07:53Pero hindi kasi pwedeng, pero hindi kailangan matigil ang pagpapasuso dahil babalik na sa trabaho.
08:02Maraming mga paraan na makakakolekta ng gatas para maibigay, maiuwi sa sanggol para pakain sa kanya, painom sa kanya.
08:15At ito nga ay sinusuportahan ng Republic Act 10028 dito sa ating bansa,
08:22na nagpo-provide ng lactation breaks sa mga ina sa bawat 8 oras ng pagtatrabaho nila,
08:31na bukod pa sa lunch nila at sa kadansaya yung mga merenda breaks nila.
08:36Na ito yung gagamitin ng nanay para makapagpump siya o di kaya makapagpalabas siya ng gatas,
08:45mag-iexpress siya ng gatas manually.
08:48At kung ano man yung kanyang makuha ng mga gatas, ay maiuwi niya nga sa kanyang sanggol.
08:54Alright, Tok, may mga recommended po ba kayo ng mga pagkain o siguro kind of lifestyle sa mga breastfeeding mom?
09:05As much as possible, kailangan talaga.
09:08Pag nagpapasusuka, clean living talaga tayo.
09:12Isang magandang kung diet ba, pinag-uusapan natin,
09:18balansyado na pagkain ang kailangan.
09:21So, may balansa ng go-glow-grow foods, sabi nga nila.
09:27Maganda ang diet na marami ang gulay because it not just gives fiber,
09:34but it also helps para maka-build tayo talaga ng stash.
09:39Mga gulay na mayroong calcium na maganda siya,
09:45sinasabi nila na mga processed foods ay kailangan babawasan as much as possible
09:50kasi mataas yan usually sa asukal, mataas sa asin,
09:56at ang asin at sa kaasukal ay kalaman na pagpapasusog.
10:00Kasama yan sa mga dahilan kung bakit minsan madaling bumagsak ang levels ng gatas ng ina.
10:09Bukod pa doon, ang pag-inom ng tamang dami ng tubig sa isang araw,
10:158 to 10 glasses, 8 hanggang 10 baso sa bawat isang araw.
10:20So, ito ang mga rinirekomendan na dami ng tubig na dapat iniinom ng isang tao
10:27at lalo ng isang ina sa pagpapasusog.
10:30Okay, Doktora, how about yung mga supplements po,
10:34kagaya ng malunggay, capsules, mga calcium vitamins,
10:39so kailangan din po ba ito?
10:43Maganda na meron siya, pero hindi siya yung necessary.
10:49Ayokong isipin, lalo na ng ating mga kapwa natin, na mga kababayan,
10:56na kung hindi naman masyado silang makaka-afford na,
11:01ay kailang kailangan ito.
11:03Okay, unang-una, yung mga multivitamins,
11:06alam natin, pwede na siyang makuha sa ating health center
11:09na may kasamang calcium.
11:12Ang malunggay capsules ay available
11:15para sa mga ina na hindi makakahanap ng malunggay,
11:19hindi makapagluto ng malunggay.
11:21Kung merong malunggay sa inyong lugar,
11:25fresh na malunggay,
11:26mas maganda pa nga yan,
11:28isama natin sa sopas,
11:30isama natin siya, gawin natin siya,
11:32ah, pwede natin siyang isama
11:33sa mismong kinakain natin na,
11:36pwede nyo isama sa munggo,
11:39isama sa iba't ibang klaseng mga ulam.
11:41So, pwede naman yung fresh,
11:44ah, yun lang,
11:46hindi ko masasabi kung ilan dapat ang kinakain na dami ng malunggay.
11:51Versus yung capsule na,
11:52maaari namin mabigyan ng dosing,
11:54kung ano pa talaga ang dapat inumin ng isang ina.
11:58Ah, yun lang,
11:59talagang hindi naman siya,
12:01ah, kumaga,
12:03hindi siya kailang kailangan,
12:05pero maganda kung makakainom kayo ng mga gano'n.
12:08Alright, maraming salamat po sa lahat ng impormasyon.
12:10Sana may maitulong ito,
12:12lalo na mga sa mga first-time mothers.
12:14Nakapalain po natin ngayong umaga
12:15si Dr. Terese Maria Ribagno.
12:18Maraming salamat po, Dr.
12:21Maraming salamat po.

Recommended