Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Education Parindaawa ang pinaka-prioridad ng Administrasyong Pangulong Bongbong Marcos
00:05batay sa kanyang State of the Nation Address kahapon.
00:09Binagid din ang Pangulo sa kanyang sonang iba't ibang servisyong pangkalusugan
00:12at planong mas maayos na transportasyon.
00:16Darito ang unang balita.
00:21Itinuloy na po natin ang Zero Balance Billing.
00:25Wala nang kailangan bayaran ng pasyente basa sa DOH Hospital dahil bayad na po ang building.
00:35Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagsabi,
00:38dito sa atin, mahal magkasakit.
00:41Pero makakaasa pa rin daw ang mga pasyente sa Medical Assistance Program.
00:45Kasama na nga ang Zero Balance Billing sa mga ospital na pinatatakbo ng DOH.
00:50Ibinida rin ang Pangulo ang pagdami ng bagong urgent care
00:54and ambulatory services o bukas centers
00:57para sa libreng check-up, x-ray, lab tests at iba pa.
01:02At nasisiyan ako ng makapag-report
01:04na sa kauna-unahang pagkakataon,
01:08ang bawat bayan po sa Pilipinas ngayon ay may doktor.
01:12Kabilang sa pinalawak na PhilHealth benefits ayon sa Pangulo,
01:16ang libreng mga sesyon at gamot na mga nagpapadialisis
01:19at P2.1 million pesos na limit para sa kidney transplant.
01:23May Cancer Assistance Fund na rin at PhilHealth coverage para sa atake sa puso,
01:28open heart surgery at heart valve repair o sa replacement.
01:32Padadaliin pa natin ang proseso ng medical assistance
01:35dahil ipapasok na po ito sa ating e-gov app.
01:40Ipinagmalaki rin ang Pangulo na sa kanyang administrasyon,
01:43halos isa't kalahating milyong pamilya ang gumandang buhay
01:46at nakagraduate na mula sa 4-piece o pantawid pamilyang Pilipino program.
01:52600,000 kabahayan daw ang matutulungan sa ikalawang taon ng walang gutom program.
01:57Mahigit 3 milyong mag-aaral naman ang nakasama sa feeding program ng DSWD at DepEd
02:03sa daycare centers at public schools.
02:05Sa susunod na taon, sa tulong ng karagdagang 1 bilyong pisong pondo,
02:10pararamihin pa ng DSWD ang bilang ng mga batang mabibigyan ng masustansyang pagkain.
02:17Alam naman natin, basta't may laman ang tiyan, may laman ang isipan.
02:23Ipinunto naman ang Pangulo na sa lahat ng pinahalagahan ng kanyang administrasyon
02:27na sarurok pa rin ang edukasyon.
02:30Ngayon taon, sinimulan na natin ang Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL program
02:37at pinalalakas din natin ang Early Childhood Care and Development.
02:42Naglaan tayo ng 1 bilyon para makapagtayo ng mahigit 300 barangay child development center
02:48at bulilit center sa buong bansa.
02:51Pinaspasan na raw ang pagbabakuna sa mga bata at babantayan pati kanilang mental health.
02:56Tututukan din ang kalusugan ng mga guru sa bagong lunsad na yakap caravan.
03:01May libre check-up at lab tests katulad ng cancer screening para sa kanila, pati na libre gamot.
03:0722,000 silid aralan na rin daw ang nabuksan.
03:10Katuwang ng pribadong sektor, sisikapin natin madadagdagan pa ng 40,000 silid aralan bago matapos itong administrasyon.
03:19Nakahanda na rin daw ang mga high-tech at digital na gamit smart TV,
03:24libreng Wi-Fi at libreng load sa bayan ni Hans SIM card para makasabay ang mga estudyante sa makabagong paraan ng pag-aaral.
03:32Ngayon, nagdaratingan na ang mga laptop na laanpara sa bawat guro sa public school.
03:38Kiniyak natin na walang anomalya sa pagbili ng mga laptop na ito.
03:43Halos 12,000 pampublikong para lang pa ang walang internet.
03:48Kaya sinong siguro ng DICT at ng DepEd na bago matapos ang taong ito,
03:54magkakaroon na ng koneksyon ng internet ang lahat ng pampublikong para lang.
04:01Pinakamahalaga rao sa edukasyon ng mga guro,
04:04nadagdagan ang mga nabigyan ng trabaho sa pagbubukas ng 60,000 teaching items.
04:09Binawasan din ang mga dokumentong dati ay kailangan at upagi ng mga guro,
04:13at gagawin ng digital ang mga natitira.
04:15At ngayong school year na ito, makakatanggap na kayo ng kabayaran
04:20para sa inyong teaching overload at para sa inyong overtime.
04:25Sa kolehyo, 260,000 na estudyante rao ang nadagdag sa bilang ng mga libreng pinag-aaral.
04:32Maglalaan pa rin daw sa susunod na taon ng 6 na bilyong piso para rito.
04:36Sabi ng Pangulo, pangalawa na ang Pilipinas sa buong ASEAN
04:39pagdating sa dami ng kabataang pumapasok sa kolehyo at tech book
04:43at mas marami na raw ang nakakapagtapos.
04:46Kaya mga magulang, sulitin na ninyo ang mga pagkakataong ito
04:52dahil hangad natin na sa lalong madaling panahon
04:56ang bawat isang pamilya ay may anak na nakapagtapos ng kolehyo o sa test doc.
05:02Sa susunod na taon din, tatapusin ang halos 200 planta ayon sa Pangulo
05:07bilang solusyon sa problema sa kuryente.
05:11Pinulaan din ang Pangulo ang anya ay palpak na servisyo ng mga water district
05:15at kanilang joint venture partners.
05:17Marami kaming natatanggap na reklamo na hindi man lang daw
05:21umaabot ang tubig sa kanilang mga gripo.
05:24Sa lawak ng reklamo,
05:26lampas 6 na milyong consumer sa buong bansa
05:29ang kasalukuyang naapektuhan.
05:33Titiyakin daw na mapapanagot ang mga nagpabaya.
05:36Kaugnay naman sa binanggit ng Pangulo na pagbuhay ng programang Love Bus
05:39na dating sumisimbolo ng abot kayang transportasyon noong dekada 70
05:44at ngayon ay gagawing libreng sakay sa buong bansa.
05:48Agarang aksyon ang tugon ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon.
05:52Kaya sa transportation,
05:54yung mga sinabi niya na dadagdag pa nating servisyo
05:57katulad ng pagbuhay ng Love Bus
06:00at gawing libre yun sa buong bansa,
06:02hindi lang sa Metro Maniga,
06:03gagawin na natin yun agad-agaran.
06:06Bago raw matapos ang taon,
06:08ay mamamasada na sa buong bansa ang mga Love Bus.
06:11Bukos sa libreng Love Bus,
06:13isa sa mga direktiba ng Pangulo
06:14ay ang agaran at ganap na paggamit ng mga dalian train
06:17sa susunod na taon na matagal na ang hindi napapakinabangan.
06:21Sinagot din ang Pangulo
06:22ang mga nagtatanong kung nasaan na
06:24ang 20 pesos ng bigas.
06:26Dahil sa ilala ang 113 billion pesos na pondo,
06:29malalakas yan anya ang mga programa
06:31ng Department of Agriculture
06:32para ilunsad na ang 20 pesos kada kilong bigas
06:36sa buong bansa.
06:37Napatanuayan na natin
06:38na kaya na natin
06:39ang 20 pesos sa bawat kilo ng bigas
06:42nang hindi malulugi
06:43ang ating mga magsasaka.
06:47Ito ang unang balita.
06:49Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
06:51Igan, mauna ka sa mga balita,
06:55mag-subscribe na
06:56sa GMA Integrated News sa YouTube
06:59para sa iba-ibang ulat
07:00sa ating bansa.

Recommended