00:00Samantala, nag-tipo ng iba't ibang grupo para ipakita ang suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address, Osona.
00:09Yan ang ulit ni Bien Manalo live, Bien.
00:14Alam mo, Diane, hindi naging alintana ang pabago-bagong panahon at panakanakang pagulan para sa mga grupong sumusuporta sa Marcos Jr. Administration.
00:23Nagtungo sila rito para suportahan at pakinggan ang ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:33Alas 4 pa lang ng umaga, nagtungo na ang grupo ng Firm 24K Association Incorporated, Montenlupad Chapter sa bahagi ng Sandigan Bayan sa Quezon City,
00:42ang itinalagang lugar para sa mga pro-rallyist.
00:45Nasa maygit isang daang miyembro ng grupo ang nakisa.
00:48Sa kabuan, umabot sa maygit limang dang miyembro ng grupo ang nagtipon mulayan sa iba't ibang chapter sa Kalakhang, Maynila
00:55at maging sa mga kalapit probinsya na sumusuporta sa Marcos Jr. Administration.
01:00Isa na riyan si Rubella na masugid na taga-suporta ng Pamilya Marcos.
01:04At sa nalalabing tatlong taon sa pwesto ni PBBM, hangad niya na maipagpatuloy pa nito ang magagandang programa at servisyo para sa taong bayan.
01:13Wala silang inihanda na anumang aktibidad ngayong araw at tanging nakinig lamang sila sa mga sinabi ng Pangulo.
01:19Hindi gaya nung mga nakaraang taon na may kantahan, sayawan at may ilan pangang kilalang personalidad na nagtanghal sa programa.
01:27Bukod sa kanila ay may iba pang pro-rallyist ang nagtipon sa bahagi pa rin ng Sandigan Bayan.
01:32Dayan, update naman tayo sa lagay ng trapiko dito sa bahagi ng St. Peter Church Northbound Lane.
01:39Dito nagsisimula yung pagpagsikip ng daloy ng trapiko pero sa bahagi naman ng going to Sandigan Bayan at going to Litex ay maluwag na yung usad ng mga sasakyan.
01:50Habang sa Southbound Lane naman ay nagsisimula yung pagpagsikip ng mga sasakyan doon sa bahagi ng Holy Spirit hanggang sa Luzon Avenue pero going to Tua Tandang Sora ay unti-unti na rin lumuluwag ang usad ng mga sasakyan.