Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pilay na ang kabuhayan ng ilang residente ng Malabon dahil sa baha ng mahigit dalawang linggo na nilang tinitiis.
00:06Kaya ngayon, ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Marcos.
00:10Nakaabang sila sa konkretong solusyon ng gobyerno sa problema sa baha.
00:15Balitang hatid ni Bea Pinlac.
00:20Mahigit dalawang linggo ng lubog sa baha ang ilang bahagi ng Malabon.
00:24Mas mababa na kumpara sa lampas bewang na baha ng mga nakaraang araw,
00:28pero perwisyo pa rin para sa mga residente rito.
00:32Wala po kaming benta.
00:34Nakaka-stress kasi minsan walang pasok.
00:38Matumal po kasi kami ngayon.
00:40Napektoan po kasi sa bagyo at sa baha.
00:43Ayaw po nilang lumabas pag ganyan. Natatakot sa baha.
00:47Ang tricycle driver na si Angelito, nakaka-isa o dalawang biyahe pa lang daw.
00:52Minsan, gagarahin na dahil hindi na kinakaya ng tricycle niyang suungin ng baha.
00:56Malaking perwisyo, hindi kami makapagalap buhay. Wala na kami kinikita.
01:01Ang lagi raw sinasabi ng mga taga-Malabon, sanay na sila sa baha.
01:05Pero dapat daw bang maging normal ang pagtitiis sa mga problemang dapat tinutugunan ng gobyerno?
01:12Sanay nga ang mga taga-Malabon, kaya na sobra. Sobra na po ang pagbabahari ito.
01:19Kaya wala na po kami magawa kung hindi magtiis.
01:22Wala kaming kita. Sanay na po ang taga-Malabon, pero hindi dapat.
01:26Sa ika-apat na State of the Nation address ni Pangulong Bongbong Marcos mamaya,
01:30nakaabang daw si Narakel at Angelito sa konkretong plano na ilalatag ng gobyerno
01:36para matuldukan ng problema sa baha na matagal na nilang daing.
01:40Sana po matugunan na po yung baha para tuloy-tuloy na po yung namin pasok.
01:47Yung mga driver namin suki, wala rin kita.
01:51Kaya yung mga suki namin, nag-iiyakan din. Wala silang kita. Gagarahin na po eh.
01:56Kailangan magawa ng paraan to.
01:59Na mabawasan ang tubig.
02:01Sana raw maging prioridad ng gobyerno ang pagkahanap ng solusyon sa baha.
02:06Lalo na't nakita mismo ng Pangulo noong Sabado ang siraparing navigational gates sa Navotas
02:10na nagpapalala sa bahang na may merwisyo sa Malabon.
02:14Bea Pilak nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended