Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ilang linggo ng Perwisyo sa mga taga-Malabon ang baha sa kanilang lungsod.
00:04Kahit daw sanay na sila, dapat may solusyon pa rin dito ang pamahalaan.
00:09May unang balita live. Stay at in lang.
00:16Susan, baha pa rin sa ilang bahagi ng Malabon hanggang ngayon.
00:19Kaya sa ika-apat na zona ni Pangulong Marcos mamaya,
00:23ay ang gustong marinig naman nakausap natin,
00:25ano nga ba ang solusyon sa problema sa baha na matagal na nilang nakasanayan
00:28pero hindi naman daw talaga dapat maging normal.
00:35Mahigit dalawang linggo ng lubog sa baha ang ilang bahagi ng Malabon.
00:39Mas mababa na kumpara sa lampas-bewang na baha nung mga nakaraang araw
00:43pero perwisyo pa rin para sa mga residente rito.
00:46Wala po kaming benta. Nakaka-stress kasi minsan walang pasok.
00:53Matumal po kasi kami ngayon.
00:55Napektohan po kasi sa bagyo at sa baha.
00:58Ayaw po nilang lumabas pag ganyan. Natatakot sa baha.
01:02Ang tricycle driver na si Angelito, nakaka-isa o dalawang biyahe pa lang daw.
01:07Minsan, gagarahin na dahil hindi na kinakaya ng tricycle niyang suungin ng baha.
01:11Malaking perwisyo, hindi kami makapagalap buhay. Wala na kami kinikita.
01:16Ang lagi raw sinasabi ng mga taga Malabon, sanay na sila sa baha.
01:20Pero dapat daw bang maging normal ang pagtitiis sa mga problemang dapat tinutugunan ng gobyerno?
01:26Sanay nga ang mga taga Malabon, kaya na sobra. Sobra na po ang pagbabahari ito.
01:34Kaya wala na po kami magawa kung hindi magtiis. Wala kaming kita. Sanay na po ang taga Malabon, pero hindi dapat.
01:41Sa ikaapat na State of the Nation address ni Pangulong Bongbong Marcos mamaya,
01:45nakaabang daw si Narakel at Angelito sa kongkretong plano na ilalatag ng gobyerno
01:51para matuldo ka ng problema sa baha na matagal na nilang daing.
01:55Sana po matugunan na po yung baha para tuloy-tuloy na po yung namin pasok.
02:02Yung mga driver namin suki, wala rin kita.
02:06Kaya yung mga suki namin, nag-iiyakan din. Wala silang kita, gagarahin na po eh.
02:11Kailangan magawa ng paraan ito na mabawasan ng tubig.
02:16Sana raw maging prioridad ng gobyerno ang pagkahanap ng solusyon sa baha.
02:21Lalo na't nakita mismo ng Pangulo noong Sabado ang siraparing navigational gate sa Navotas
02:25na nagpapalala sa bahang namemerwisyo sa Malabon.
02:33Susan, ang baha sa Malabon, problema na raw bago pa maging Pangulo si Marcos.
02:38Ang hiling ng mga nakausap natin ay masolusyonan ito sa lalong madaling panahon
02:43bago pa matapos ang termino ng Pangulo.
02:47At yan ang unang balita mula rito sa Malabon.
02:50Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.

Recommended