24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Isang-isang pinunan ng House Prosecution Panel ang anilay mga mali sa desisyon ng Korte Suprema
00:05nang i-deklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:11Nakatutok si Jonathan Andal.
00:16Iaapela ng House Prosecution Panel sa Korte Suprema
00:20ang desisyon nitong nagsabing labag sa konstitusyon ng impeachment kay Vice President Sara Duterte.
00:26Ang pinakabatayang saligan ng desisyon kung saan umikot ang mga legal pronouncement ng Korte ay mali.
00:33Hindi isinama ang plenary vote, mali ang pagbasa sa timeline ng mga kilos ng Kamara,
00:39at mas pinaniwalaan ang isang news article kaysa sa House Journal at opisyal na report na isunumiti mismo sa Korte.
00:49Nakakabahala na ang desisyon ay hindi man lang bumanggit o tumugon sa mga dokumentong ito.
00:55Inisa-isa ni Avante ang mga anya yung mali ng Korte.
00:58Kaugnay sa plenary vote.
01:00Taliwas daw sa sinasabi ng Korte,
01:02nagkaroon daw ng plenary vote sa Kamara bago nila ipinasasasinado ang impeachment complaint.
01:08Makikita po ito sa House Journal No. 36
01:11at detalyado rin sa opisyal na record of the House of Representatives.
01:17Ang transmittal sa Senado ay hindi unilateral o ministerial.
01:21It was a clear result of plenary action.
01:24Ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ay dumaan sa wastong proseso.
01:31Ikalawa, ang sinabi ng Korte na hindi inaksyonan ng Kamara ang unang tatlong impeachment complaint na inihain noong December 2024.
01:39Sabi ni Avante, hindi rin yan totoo.
01:41This too is inaccurate.
01:43Sa parehong araw na inaksyonan ang February complaint,
01:47bumoto rin ang Kamara sa plenaryo na i-archive ang tatlong impeachment complaints na inihain noong December.
01:55Ginawa ito ilang oras bago mag-adjourn ng session dahil na kumpirma na ang February complaint ay permado at verified ng one-third ng mga miyembro ng Kamara.
02:06Ayon sa konstitusyon, ito ay itinuturing ng articles of impeachment at obligadong ipadala sa Senado para sa paglilitis.
02:16Ikatlo, ang sinabi ng Korte na hindi raw binigyan ng due process si VP Sara o yung pagkakataong masagot ang reklamo bago ito ay pinadala sa Senado.
02:25Sabi ni Avante, walang ganyang requirement sa konstitusyon o sa rules ng Kamara.
02:30Lalot ang complaint ay permado ng hindi bababa sa one-third ng mga mababatas kaya pinadala na agad sa Senado.
02:36Nagbigay ang Korte ng panibagong patakaran na wala naman sa umiiral na batas.
02:42Pinawalang visa nila ang articles of impeachment base sa mga bagong pamantayan ng due process para sa respondent.
02:50Kung due process at opportunity to be heard ang usapan,
02:53ilang beses nang naimbitahan si Vice President Sara Duterte sa mga pagdinig ng committee na natili siyang tikong ang bibig.
03:01Pumalag dyan ang abogado ni VP Sara.
03:04Hiwalay naman yung naging mga committee hearings.
03:06If I'm not mistaken, sa aking interpretation, ang tinatalakay ng Supreme Court doon
03:10ay yung due process mismo doon sa pag-initiate ng impeachment proceedings
03:15which includes yung pagbibigay sa kanya ng kaukulang pagkakataon upang sumagot doon sa draft articles of impeachment or draft impeachment complaint.
03:26Ayon kay POA, nagpasalamat sa kanilang Vice Presidente nang makarating sa kanya ang desisyon ng Korte Suprema.
03:34Handa na raw sana ang defense team sa impeachment trial.
03:37Ngayon, maghihintay raw muna sila sa mga mangyayari sa impeachment court,
03:40lalot bukas na ang pagbubukas ng panibagong kongreso.
03:44Sa ngayon, wala pang pecha ang kamera kung kailan sila magka-file ng motion for reconsideration sa Korte Suprema.
03:49Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.