- 6 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Hinagupit ng Bagyong Emong ang mga resort at residential area sa Probinsya ng La Union.
00:05Isinailalim na sa State of Calamity ang Lalawigan.
00:08Saksi Live, si John Consulta.
00:11John!
00:15Maris, matinding pinsala ang inabot ng Probinsya ng La Union
00:18matapos nga manalasa ang Bagyong Emong kanina madaling araw.
00:23Ganito kalakas ang ulan at hangin na dala ng Bagyong Emong sa La Union sa nakalipas na magdamag.
00:36Nang humupa kanina, tumambad ang matinding pinsala.
00:41Maraming poste ng kuryente ang tumagilid at nabawal kaya walang kuryente ngayon sa Probinsya.
00:47Natoklap din ang mga yero ng ilang bahay at gusali.
00:51Maging ang mga kinalang resort sa San Juan, di nakaligtas.
00:55Si Aling Virginia, kabilang sa mga naapektuhan ng Bagyong, nang lipa rin ang kanilang bubong.
01:00Malakas po na malakas kasi umiikot pa po.
01:04Lumipad po yung kalahati po na bubong ng bahay namin.
01:08Nakatayo lang kami po dun sa tagilid ng semento, parang hindi kami tamaan.
01:13Ang mga tauha naman ng La Union PNP, pinasa na ang ilan sa mga nirescue na na-trap sa kanilang mga bahay na na-isolate dahil sa biglang taas ng baha.
01:22Mga kapuso, sa sobrang lakas nga ng hanging tumama dito sa San Fernando La Union,
01:26eh makikita nyo naman itong isang kubo na sa aking likuran ay mula doon sa loobong lote ay itinulok to ng hangin papunta rito sa baketa na muntik pang pumunta dito sa mismong kalsada.
01:39Aabot sa 175 ang bilang ng affected barangays, kung saan 13,172 families o 46,291 na individual at apektado ng bagsik ni Bagyong Emong.
01:53Apela ng probinsya, tulong para sa kanilang mga nasalantang kababayan.
01:57Maraming nawalan ng bubongan na area.
02:00In fact, yung nagpuntahan natin kahapon na disaster comad namin, na disaster din.
02:07If there are people who have a good heart, lending a hand here so that ang aming recovery ay mas mabilis, marami pong salamat. Kailangan po namin ang inyong tulong.
02:19Tila tatanginin ka naman ng malakas na hangin na naramdaman sa Holcim Pierre sa San Fernando City.
02:26Lumusong din sa Ramaragasang Baha ang dalawang nalaki habang karga ng isa ang isang bata.
02:32Dahil pa rin sa masamang panahon, nabagsakan ang puno ng akasya ang tatlong palapag na gusali.
02:38Damay rin ang isa pang kotse.
02:40Ganyan din ang kinainatnan ng dalawang SUV at isang kotse na nabagsakan naman ang sanga ng mangga habang nasa garahe.
02:47Damay rin sa nabagsakan ang isa pang apartment.
02:49Dinig na dinig din ang kalampagan ng mangyero sa bayan ng bawang dahil sa lakas ng hampas ng hangin.
02:59Wala rin takas sa bagsik ng bagyo ang mga taga-agno at pangasinan.
03:03Damang-dama ang pagbayo ng hangin pagka landfall ng bagyong emong sa probinsya.
03:08Kaninang umaga, tumambad na agad ang nagkanda sira-sira na singbahan, bahay at iba pang istablishmento.
03:14Nagtumbahan din ang ilang poste kaya nawala ng kuryente at pahirapan ang komunikasyon.
03:20Dumapa rin ng ilang puno at poste sa Alamino City kaya nagka-brown out sa lugar.
03:24Lubog pa rin sa baha ang bayan ng Kalasyao.
03:27Na-discovery rin binubutas ng mga residente ang isang diki.
03:31Sa paniwalang mapapahupahan nito ang baha sa barangay Taribeo.
03:36Pinahinto na sila ng engineering office.
03:38Good news Maris noon na ibalik na ang kuryente sa ilang mga bahagi nga dito sa La Union.
03:47Samantala ay naitektira na ang state of calamity sa buong probinsya ng provincial government ng La Union.
03:53Ito para mas mapabilis ang paghahatid ng tulong sa ating mga nasalantang kababayan.
03:58Live muna rito sa La Union, ako si John Consulta, ang inyong saksi.
04:01Nag-titiis pa rin sa baha ang mga taga-Ubando Bulacan dahil naman sa high tide.
04:09Pinag-iingat ang mga residente sa banta ng Leptospirosis.
04:12Saksi live si Von Aquino.
04:15Von?
04:19Maris, kahit paano gumanda yung panahon dito kaninang hapon ano?
04:23Pero baha pa rin dun sa ilang kalsada dito sa Ubando Bulacan dahil sa high tide.
04:27Ayon sa PDRRMO, ito na yung high tide na pinakamataas ngayong taon.
04:36Sumitat ng araw at panakanakang ambon na lang ang naranasan sa maghapon sa Ubando Bulacan.
04:41Pero ang ilang kalsada sa barangay Katanghalan at Pag-asa, baha pa rin hanggang kaninang hapon.
04:47Ayon sa Ubando Local Disaster Risk Reduction and Management Office,
04:51dulot ito ng high tide na umabot ng 5 feet, 1244 ng tanghali.
04:55Pinakamataas ngayong taon ayon sa Bulacan PDRRMO.
05:00Ngayon yung pinakamataas, 5 feet.
05:02So yun yung nagkos, tapos nagkaroon rin kami ng mga sira po sa dike.
05:08So upon monitoring po ng mayor po natin, nagkikip po sila.
05:12Maraming nakita ang mga cracks and sira.
05:17Bukod dito, binabantayan din a nila ang lamesa dam
05:19na nakaka-apekto sa Ubando kapag nagpapakawala ng tubig.
05:23Once naman po na naglulotide na, ino-open na po yung mga dike po natin.
05:28Between 1 hour or 2 hour po, nawawala naman na po yung baha.
05:33Sa kabila nito, tuloy ang mga negosyo tulad ng parlor na ito
05:36na tatlong araw din daw nagsara dahil sa masamang panahon.
05:40Wala na din kasing panggastos.
05:42Tsaka marami pong kliyente na gusto na din po magpagawa talaga.
05:47Kahit maha, self-care is a must.
05:50Tila biyaya naman ang baha sa mga pedicab driver na may at maya
05:55nagsasakay ng mga pasaherong ayaw lumusong sa baha.
05:58Pero ang pedicab driver na si Renato nagbota na dahil inaalipunga na
06:02at uminom na rin daw ng prophylaxis bago na masada para iwas leptospirosis.
06:06Ang barangay health center at Obando Rural Health Unit nagbibigay ng prophylaxis sa mga residenteng lumusong sa baha.
06:25Hindi rin kaya lahat i-cater dito na kunwari pupunta yung mga constituents natin.
06:32So ang ginagawa namin, they go down, they go to the communities para mabigyan sila ng gamot.
06:40Ilang pasyente rin daw ang kumonsulta sa kanila na may ubot sipon at mga batang may pananakit ng tiyan.
06:47Inabuta naman namin ang ilang pasyente na nagpapaturok ng anti-rabies.
06:51Ayon sa doktor, bukod sa infeksyon sa balat, maaari ring magkaroon ng leptospirosis sa paglusong sa baha.
06:57Dala ng mga bakterya na nanggagaling sa mga daga.
07:02Ito ay inahalo sa tubig baha.
07:06At paglalo na pag ikaw ay may sugat o gasgas sa iyong balat,
07:09pwedeng pumasok itong bakterya sa iyong katawan at ikaw ay magkasakit na ang tinatawag natin ay leptospirosis.
07:16Ang prophylaxis pwede anyang inumin sa loob ng 24 oras matapos lumusong at pwede rin bago lumusong sa baha.
07:24Depende rin daw ito sa risk at tagal ng paglusong sa baha.
07:27Maaari rin anyang magkaroon ng leptospirosis kung nakainom ng tubig baha.
07:32Maganda raw kumonsulta rin sa doktor bago uminom ng prophylaxis.
07:36Kadalasan, it is really advised na magtake ng doxycycline.
07:40Dalawang capsule, 100 mg, 2 capsule as a single dose.
07:46Pero kung halimbawa naman ikaw ay may sugat o may gasgas sa iyong paa,
07:52o inie-extend namin yan to around 3 to 5 days.
07:56Lalong-lalo na yung alam mo to, yung trabaho pabalik-balik doon sa baha.
08:00Pari sa mga oras na ito ay nakakaranas tayo ng mahina hanggang sa malakas na pagulan dito sa Umbando Bulacan.
08:11Pero mabuti na lamang at low tide ngayong pasado las 10 ng gabi.
08:14At as of 6pm, nasa 140 na pamilya pa rin yung nananatili sa evacuation center.
08:20Sila yung nakatira doon sa mga coastal areas.
08:23At live mula rito sa Umbando Bulacan para sa GMA Integrated News.
08:27Sa Kosivo na Kino, ang inyong saksi.
08:30Kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema na ideklaraan constitutional
08:34ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte
08:38pag-aaralan daw ng Kamara ang desisyon.
08:41Oras na matanggap ito.
08:42Nagbabalik.
08:43Ang saksing si Salima, refran.
08:45Sabi ng Kamara, gagawin nilang lahat ng remedyo para protektahan ang kanilang mandato.
08:56Ayon kay House Spokesperson Attorney Princess Avante,
08:59ang House of Representatives ang tanging may kapangyarihan para magsimula ng impeachment.
09:05Kung papayagan daw ang pangihimasok ng hudikatura sa pagsisimula ng impeachment process,
09:10nalalagayan niya sa alanganin ang prinsipyo ng checks and balances.
09:14Hakbang na politikal na nakaugat sa People's Will Ania ang impeachment.
09:19Hindi raw dapat ito patahimikin ng anumang teknikalidad.
09:23Ginagalang naman daw ng Senate Impeachment Court ang desisyon ng Korte Suprema,
09:28ayon sa tagapagsalita nitong si Atty. Reggie Togol.
09:31Pinagtimay raw nito ang kanilang paniwala na dapat munang linawin ang Articles of Impeachment
09:36bago simula ng impeachment trial.
09:38Pinatunayan daw ng desisyon ng Korte na tama ang ginawang pag-iingat ng Senate Majority
09:44sa nakitaan nilang legal uncertainties noong simula pa lang.
09:48Hindi pa naman nababasa ng Malacanang ang buong nilalaman ng desisyon ng Korte Suprema,
09:53pero panawagan ng palasyo,
09:56igalang ang desisyon ng Supreme Court at ilaan ang tiwala sa ating institusyon.
10:00The impeachment process is a matter handled by the legislative and judicial branches
10:06and we recognize their independence in carrying out their constitutional mandates.
10:12Ayon naman sa defense team ni Vice President Sara Duterte,
10:16ang desisyon ng Korte ay pagpapatibay sa dati na nilang iginiit na nakakalas sa konstitusyon
10:21ang ikaapat na impeachment complaint.
10:23Pinatitibayan nila nito ang proteksyon ng saligang batas laban sa pag-abuso sa impeachment process.
10:31Nananatili raw handa ang defense team para sagutin ang mga aligasyon sa tamang oras at lugar.
10:37Dahil sa pagdideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang Articles of Impeachment,
10:42naniniwala sa retired Supreme Court Associate Justice Adolfo Oscuna,
10:46isa sa nagbalangkas ng saligang batas na hindi na matutuloy ang impeachment trial laban kay Vice President Duterte.
10:53Well, that means that the Articles is invalidated and the Senate has no jurisdiction over it.
11:03Hindi po matutuloy yung trial.
11:05Hindi na refer it to committee.
11:07So ang akala nila hindi na initiate yun.
11:10So they can initiate a fourth one and that is what they did.
11:16But the Supreme Court said that it is deemed initiated na rin dahil they are supposed to refer it to a committee in 10 days, 10 session days.
11:27So if you fail to refer it to a committee as required by the Constitution, counted na rin yun as an initiated complaint.
11:37Para sa GMA Integrated News, ako si Salima Rafra ng inyong saksi.
11:43Kumikilos na palayo sa Batanes ang Bagyong Emong.
11:47Basta sa ATM Bulletin, ng pag-asa nakataas pa rin ang signal number one sa Batanes, Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan.
11:57Huling na matara sentro ng Bagyong Emong, 195 kilometers sila nga ng Itbayat Batanes.
12:03May lakas ito ng hangi nga aabot sa 85 kilometers per hour at bugso nga aabot sa 105 kilometers per hour.
12:10Nakadalawang landfall ang Bagyong Emong.
12:13Una, 10.40 kagabi sa Agno, Pangasinan.
12:17At ikalawa, sa Kandon, Ilocos Sur, 5.10am kanina.
12:21Sa kanito tinawid ang northern Luzon.
12:23Kaya rin ito humina dahil sa interaksyon sa mga kalupaan.
12:27Sa mga susunod na oras, inaasahan magpapatuloy ang mabilis nitong pagkilos pa north-northeast at posibleng makalabas na ng PAR bukas ng umaga.
12:38Habang lumalayo, hinihila o pinalalakas pa rin ito ang habagat kaya asahan pa rin ang mga pag-ulan sa bansa.
12:45Basa sa datos na Metro Weather, bukas ng umaga ay bahagyang mababawasan ng ulan,
12:49maliban sa western sections ng Luzon, lalo sa Zambales at Bataan, Ilocos Region at Mindoro Provinces.
12:57Pero simula tanghali hanggang hapon at gabi, mataas na ulit ang tsyansa ng ulan sa halos buong Luzon.
13:04Halos ganyan din sa linggo ng umaga.
13:06Magtutuloy-tuloy yan sa hapon at kasama na rin ang western Visayas, Sulu Archipelago, Zambuanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao at Soxargen.
13:17Sa Metro Manila, may tsyansa pa rin ng pabugsu-bugsung ulan ngayong weekend.
13:21Sa special weather outlook na inilabas ng pag-asa para sa zona ng Pangulo sa lunes,
13:27posibleng maging maulap sa Quezon City at may tsyansa pa rin ng panakanakang pag-ulan o thunderstorms.
13:35Limampung pamilya ang pinalikas matapos gumuho ang lupa sa binansagang Smoky Mountains sa Maynila.
13:41Saksig si Bernadette Reyes.
13:42Dahil hindi na kinaya ang mga pag-ulan, tuluyan ang gumuho ang tambak ng lupang ito sa Tondo Maynila na minsang binansagang Smoky Mountain.
13:56Bagaman walang nasaktan, natabunan nito ang ilang bahay sa barangay 128.
14:01Limampung pamilya ang agad pinalita sa covered core.
14:04Sa tagal po ng pag-ulan-ulan, lumambot po yung lupa kaya sinabi po na po yung barangay namin at saka ng mga kapulisan na mag-evacuate.
14:11Binigyan sila ng pansamadalang tulugan, pagkain at hygiene kit.
14:16Salamat po sa Panginoon, Naya.
14:19Walang na-disgrasya.
14:22Naya nagising naman po na labas po lahat.
14:26We should learn our lesson very well on what happened in the past, lalo na sa payatas.
14:33It may happen again because almost the same situation.
14:38Ito yung isa sa mga bahay na gumuho dito sa barangay 128 sa Balot, Tondo, Maynila.
14:45Pero yung bahay sa likuran nito, natabunan na na gumuhong lupa.
14:49Gayunpaman, singisikap na may-ari ng bahay na maisalba ang ilang gamya.
14:52Ayon sa City Hall, nais nilang ma-relocate na ang mga residente dahil sa piligrong kakabit ng pagtira dito.
15:08May plano na rin sana ang Maynila sa lugar, subalit pag-aaring ito ng national government.
15:13Ang masama din sa kalusugan, yung usok na ini-emit nito from time to time.
15:21The methane, the only challenge for the city government of Manila is hindi namin siya pag-aaring.
15:28Tayo tutulong in our own little way.
15:31Ang kaligtasan nila ang mahalaga para sa amin.
15:34Para sa GMA Interpreted News, Bernadette Reyes ang inyong saksika.
15:38Ekonomiya, Agrikultura, Edukasyon at Kalusugan.
15:45Ilan yan sa taon-taong tinatalakay ni Pangulong Bombong Marcos sa kanyang mga State of the Nation Address.
15:51Sa nakaraang tatlong zona, nagsimula ang talumpati ng Pangulo sa ekonomiya at inflation.
15:56Noong 2024, kinilala niyang kahit maganda economic data, wala itong kabuluhan kung naharap ang mga Pilipino sa mataas na presyo ng bilihin.
16:07Sa agrikultura, binigyan din ang pagpapalakas ng produksyon para sa food security, mga programa para suportahan ang mga magsasaka at paglaban sa smuggling.
16:18Sa infrastruktura, ipinunto ang Build Better More program kung saan magtatayo ng dagdag na kalsada, tulay at iba pa.
16:26Noong 2023, sinabi ng Pangulo na gagamitin ang Maharlika Investment Fund para pondohan ang ilan sa mga proyekto ng gobyerno.
16:33At noong 2024, kabilang sa Ibinida ang iba't-ibang railway project ng administrasyon na tinawag niyang Railway Renaissance.
16:42Sa kampanya kontra ilegal na droga, sinabi ng Pangulo na tuloy ang kampanya pero hindi raw madugo at anyay bago na ang mukha.
16:52Noong 2024, isa sa pinakamalaking inanunsyo ng Pangulo ang ban sa mga pogo.
16:57Sa issue naman ng West Philippine Sea, giniit ng Pangulo na atin ito.
17:01Nangalahati na sa kanyang termino si Pangulong Bombong Marcos at sa lunes, nakatakda niyang ihayag ang kanyang ikaapat na State of the Nation Address.
17:16Kung ano ang gustong marinig ng mga mamayan mula sa Pangulo, yan ang pinustuhan namin sa Barangay Saksi.
17:22I know it in my very soul, the State of the Nation is sound.
17:31Tatlong araw na lang bago ang taonang pagtitipon ng matataas na opisyal sa batasang pambansa.
17:37I know that the State of the Nation is sound and is improving. Dumating na po ang bagong Pilipinas.
17:45Doon ihahayag ng Pangulo ang kanyang ikaapat na Sona o State of the Nation Address.
17:52Lagi po natin mahalin ang Pilipinas. Lagi po natin mahalin ang Pilipino.
17:59Tinanong namin ng mga kapuso, ano ang gusto ninyong marinig sa ikaapat na Sona ni Pangulong Bombong Marcos?
18:06Isa sa mga gusto nilang matalakay ang estado ng edukasyon sa bansa.
18:10Hiling ng isang netizen na huwag madagdagan ang mga silid-aralan at maparami ang mga guro sa puntong bawat isa sa kanila ay may dalawampung estudyante na lamang.
18:19Ang isa naman, gustong matanggal na ang K-12 program para mabawasan daw ang paghihirap ng mga magulang.
18:25Gusto rin daw ng ilang marinig na ligtas ang ating mga lansangan na walang takot na makakapaglakad ang mga mamamayan.
18:32Total ban sa online gambling naman ang gusto ng isa pa, katulad daw ng ginawa ng Pangulo sa Pogo.
18:39Hiling ng iba pang netizen, pagtaas ng sahod saan mga sulok ng bansa at pagpapababa ng presyo ng bilihin.
18:45Mungkahin ang isa, tanggalin ang provincial rate at ipareho na ang sahod sa mga rehyon para hindi na raw magsiksika ng mga tao sa Metro Manila.
18:53Sana ay bumaba ang mga presyo dahil sobrang kataas ang mga presyo ngayon ang mga bilihin.
18:58Lalo ang mga karne, mga chicken, mga isa, mamahal kaya niyan.
19:02Sana po matupad yung sabi nila na yung bigas, ipabalik yung presyo sa 20.
19:09Yung bigas, dapat ibaba kasi nagmamahal ang bigas eh.
19:15Dapat po maging maayos po ang bansang Pilipinas natin at hindi po magutom ang mga tao.
19:22Kapakanan ang mga magsasaka ang inalala ng ilan.
19:26Naway alalayan daw sila sa gitna ng mababang presyo ng pagbili sa palay at mahal na kagamitan sa pagsasaka, gaya ng abono at mga pesticide.
19:34Nasa gitna pa rin ang kabikabila, buis buhay at matagal na humupang pagbaha ang mga Pilipino.
19:39Kaya marahil ay inaasahan na ang mga hiling na matalakay ang flood control projects ng gobyerno.
19:44Sana magbago yung mga baha. Magawa niya ng paraan.
19:50Isang linggo walang pasok eh. Kaya walang biyahe nga yung asawa ko kasi walang pasok, walang sasakay. Kaya walang income kami.
20:00Yung mga greenage po, yung mga kanal na palagi bumaba sa Metro Manila eh.
20:09Kahapon lang ay binanggit ng Pangulo na hiningi niyang i-update ang flood control master plan ng DPWH.
20:15Tanong naman ang isang netizen, ano raw ang status sa pagapatupad ng right sizing sa gobyerno?
20:21Ito yung pag-aalis ng mga doble-doble at overlapping ng mga trabaho sa mga ahensya at opisina para mas mapahusay ang pagbibigay serbisyo.
20:29Kasama ito sa priority measures o gustong maisabatas ni Pangulong Marcos.
20:33Gusto namang marinig ng isa pang netizen na maitaas ang pondo para sa mga ospital pati nasa kalusugan.
20:40Pangangalaga sa mga senior citizen ang hiling ng isa, kabilang ang pagpapaospital, libreng gamot at vitamins at dagdag pensyon.
20:49Ilan lang ang mga ito sa mga gusto ng mga mamamayang tugunan ng gobyerno, hindi lang para sa sarili kundi para sa kapwa Pilipino.
20:57Hiling nila bago sila makinig sa Pangulo sa Lunes, naway sila ay marinig din.
21:03Mga kapuso, maging una sa saksi.
21:07Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Recommended
3:29
|
Up next