00:00Maggatawa ang National Government at ang Lokal na Pamahalaan ng Pampanga sa Pagbuo ng Pangmatagalang at Permanenteng Solusyon sa Baha.
00:08Makaraang malubog sa tubig baha ang halos buong Pampanga. Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:16Nasa 700,000 individual ang apektado sa lalawigan ng Pampanga matapos ang sunod-sunod na bagyong krising, dante at emong na sinabayan pa ng habagat.
00:26Meron po kaming naitatalang 210,527 families na apektado or 681,961 individuals.
00:38Ganun po kalala ang sitwasyon at epekto ng ating sunod-sunod na pagbagyo po dito sa probinsya ng Pampanga.
00:46Nasa 288 barangay sa 18 lungsod at bayan ang lubog sa baha.
00:51Sa ilang mga coastal towns, posibleng magtagal ito ng ilang linggo hanggang buwan.
00:57Patuloy ang pagtulong ng LGU sa mga evacuation centers.
01:01Kapilang dito ang pagbibigay ng family food packs, hot meals, inuming tubig, gamot at pag-provide ng mga portalets.
01:08Meron po tayong provision dyan, hindi lamang po ng family food packs, kundi ng mga hot meals na agad po nilang makakain habang pong magsa-stay po sila sa evacuation centers at masiguro po natin na sila ay busog at malusog.
01:23Patuloy ang koordinasyon sa mga national agencies para sa suporta at long-term solution sa pagbaha sa probinsya.
01:30Nagkaroon na rin ng pagpupulong ang mga ehensya ng gobyerno para tutukan ang flood mitigation at infrastructure repair ng Pampanga River System.
01:39Sa masantol, bagamat baha ang buong lugar, tuloy ang kabuhayan lalo na sa palengke.
01:44May mga nagbebenta ng gulay, isda at kakanin sa gilid ng kalsadang mistulang ilog.
01:51Isa na rito si Joner na nagtitinda ng bigas at soft tricks kahit matumal ang benta.
01:55Sa ngayon ma'am, bali niintay na lang namin talaga yung baha, umupa para magkaroon ulit ng maraming benta.
02:08Si JR naman dating may-ari ng maliit na litsunan.
02:11Namamasadang ngayon gamit ang bangka ng kaibigan para lang may pangbili ng pagkain.
02:17Nagahanap ng pera para may mabili ng pagkain.
02:21Kaya nasa labas ngayon, wala na pong pambilin bigas. Ganyan po.
02:26Hinikayat ng PDRRMO ang publiko na mag-ingat, sumunod sa mga abiso,
02:31at maghanda sa posibleng pagtaas pa ng tubig sa mga susunod na araw.
02:36Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.