Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Silipin natin ang sitwasyon sa Baguio City kung saan may kabi-kabilang landslides, may mga bumagsak ding puno at may ulat on the spot si EJ Gomez.
00:09EJ?
00:14Rafi, dalawang babae ang nirescue ng mga otoridad matapos silang matrap at matabunan ang putik dulot ng landslides sa kanilang lugar.
00:24Apat na bahay ang apektado, isa rito ay tuluyang natabunan ng lupa at putik.
00:29Ang mga apektadong pamilya naman, inilikas sa ligtas na lugar.
00:35Sa lakas ng ulan, sa buong magdamag, rumagasa ang tubig sa mga kabahayan sa Purokto Outlook Drive sa Baguio City kaninang alasais ng umaga.
00:45Apat na bahay ang apektado. Isa sa mga ito ay tuluyang natabunan at na-wash out ng landslide.
00:51Dalawang babae ang pinagtulungang ilaba sa kanilang mga bahay matapos matabunan ng lupa at tubig dulot ng landslide.
00:58Inilikas naman ang iba pang apektadong residente at ngayon ay nananatini sa evacuation center.
01:04Sa Outlook Drive pa rin, humambalang sa kalsada ang malaking puno.
01:09Ilang bahagi nito ang tumama sa mga linya ng kuryente.
01:12Nabagsakan din ang isang van.
01:14Nabasag ang windshield.
01:16Kaninang umaga, nagpulong ang Baguio City LGU na pinangunahan ni Mayor Benjamin Magalong.
01:22Sa tala ng lokal na pamahalaan, 30 ang bilang ng insidente ng pagbagsak ng mga puno.
01:2834 ang landslide, erosion at rockfall.
01:32Narito ang pahayag ng isa sa mga residente at ni Mayor Benjamin Magalong.
01:37Nagising ako, akala ko lang po may gumiba na bahay.
02:07Yun po pala lahat.
02:08Yung buong bambu po, pupunta na sa bahay namin.
02:11Tapos, yung bahay po na nag-iba dyan, dumiretsyo na din po sa takat namin.

Recommended