Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kakapusan ng pagkain ang problema ng ilang evacuee na bumalik sa kanika nilang bahay sa San Mateo at Rodriguez sa Rizal.
00:07Natagpuan na rin ang bangkay ng isang lalaking inanod ng creek nitong lunes.
00:11Balitang hatid ni Maki Pulido.
00:16Sa ilog ng San Mateo na na-recover ng San Mateo MDRRMO,
00:21ang labi ng 67-year-old na lalaking tinangay ng malakas na agos ng tubig sa Rodriguez, Rizal.
00:27Sakay ng motorsiklo ang biktima noong lunes, July 21,
00:31nang tangayin ng tubig habang tumatawid sa isang creek sa barangay Puray sa Rodriguez.
00:37Sa paghupa ng baha, umuwi na ang marami sa mga apektadong residente sa San Mateo.
00:41Pero hindi pa natatapos ang paghihirap ng marami.
00:44Dahil masama pa rin ang panahon, wala pa rin kinikita ang pamilya ni Delia mula sa pagtitinda ng isda.
00:50Wala na. Limang piso na lang natitira.
00:53Kaya sa iniisip ko, sabi ko, saan naman tayo kukuha ng panggasa natin bukas.
00:58Nangihingi na lang ako para meron kami pangkain.
01:01Lalong hindi alam ni Delia kung saan kukuha ng pampaayos ng bahay
01:05dahil lalong rumupok ang mga kahoy na nababad sa tubig.
01:09Tinakabahan pa rin ako.
01:10Lalo na sa gabi, hindi ko makatulog.
01:13Kasi sabi ko, umuulan na naman.
01:15Sabi ko, iniisip ko. Sabi ko, baka bumahan na naman.
01:17Sa barangay San Jose sa Rodriguez, putik at mga basang gamit ang inabutan ng pamilya ni Rosemary pag uwi mula evacuation center.
01:26Isang supot ng noodles at isang maliit na dilata na lamang ang natitira mula sa natanggap nilang relief pack.
01:32Pinagtitiisa nila ang hilaw na saging, malamnan lang ang tiyan nilang mag-asawa at maliliit na anak at apo.
01:39Wala na po kaming kakainin po.
01:41Iniisip po namin paano kami kakain po.
01:43Butom din po yung mga bata.
01:45Noong lunes ng gabi, kwento ng mga residente, mabilis tumaas ang tubig sa kanilang barangay.
01:50Sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan, nawasak ang bahaging ito na reprap ng pinapagawang flood control project ng DPWH.
01:59Kagagawa lang po nyan talaga.
02:02Nagkapani po kami. Sabi nga namin, ano ba nangyari dyan sa ano? Bakit nga ganyan ang ginawa nila?
02:09Tinipid ba? Hals, wala po po isang taon.
02:11Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended